Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Biktima sinaksak sa leeg, suspek patay (Sa hostage drama sa Antipolo, Rizal)

BINAWIAN ng buhay sa pagamutan ang suspek na pinagbabaril ng mga nagrespondeng pulis dahil sa pagtaga sa kanyang mga biktima sa naganap na hostage taking sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Sabado ng umaga, unang araw ng Enero.

Kinilala ni P/Lt. Col. June Paolo Abrazado, hepe ng Antipolo police, ang biktimang sinaksak sa leeg na si Teresa Lorena, 37 anyos, habang nailigtas ng mga awtoridad ang dalawa pang biktimang sina Mary Grace Lorena, 25 anyos; at isang anim na buwang sanggol na si Sabel Lorena.

Samantala, hindi pa natutukoy ang pagka­kakilanlan ng suspek na dinala sa Amang Rodri­guez Memorial Medical Center (ARMMC).

Ayon sa pahayag sa pulisya ng ama ng mga biktimang si Joe Lorena, dakong 5:00 am kamaka­lawa nang pasukin ng suspek ang kanilang bahay na armado ng itak at kutsilyo sa No. 7 Phase 1, Seruna Village, Brgy. Mambugan, sa naturang lungsod.

Hinala ng pulisya, pagnanakaw ang motibo ngunit nagising ang biktimang si Teresa kaya sinaksak siya sa leeg ng suspek.

Halos isang oras tuma-gal ang pangho-hostage ng suspek kina Mary Grace at sa sanggol habang kinakausap siya nina P/Lt. Col. Abrazado at P/Maj. Dante Aquino ng Highway Patrol upang sumuko.

Nang tangkain ng suspek na tagain pa si Mary Grace, dito pinag­babaril ng mga awtoridad ang suspek na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan saka idineklarang dead on arrival sa nabanggit na paga­mutan.

Kritikal dahil sa mara­ming sugat ang biktimang si Teresa. (EDWIN MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed Moreno

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …