Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Cruz

Sunshine walang kaabog-abog na nagpagupit para sa Mano Po

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISANG new look ang dapat abangan mula kay Sunshine Cruz sa upcoming GMA Telebabad series na Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Dream come true para kay Sunshine ang mapabilang sa serye dahil matagal na niyang pinapangarap na maging bahagi ng iconic Mano Po movies.

It is a dream come true for me na makasama ako rito sa ‘Mano Po [Legacy].’ Before, pinapanood ko lang and I was always wondering bakit kaya hindi ako nabibigyan ng offer to be a part of the movie na ‘Mano Po.’

“Noong in-offer sa akin ito, talagang kulang na lang tumambling ako sa excitement,” kuwento niya sa virtual press conference ng serye.

Kaya naman talagang tinanggap niya ang hamon at lubos na pinaghandaan ang role. Isa na rito ang pagpapagupit ng buhok. Sa kahabaan ng kanyang career, first time niyang magpagupit ng maikli.

When they asked me na kailangan magpa-cut ng hair—siyempre magmula noong nag-start ako ng pag-aartista palaging long hair ako ‘di ba—walang kaabog-abog, talagang I said sige, sure. Kung kinakailangan ganyan ang buhok, game na game ako. That’s how excited I am,” pahayag ni Sunshine.

Bukod dito, very happy din siyang makatrabaho at makilala ang cast ng Mano Po Legacy: The Family Fortune.

To be able to work with my ninang Boots Anson-Roa, Miss Maricel Laxa, itong mga naggagalingan na mga kabataang artista, it is really a blessing and an honor for me,” aniya.

Gaganap si Sunshine sa serye bilang Cristine Chan, ang tunay na utak sa pagpapatakbo ng negosyo ng pamilya. Dahil isang babae, hindi siya magiging tagapagmana kaya sisikapin niyang mapunta sa tama at karapat-dapat na mga kamay ang business empire na pinaghirapan niya.

Abangan ang bagong kuwento ng pag-ibig, pamilya at tradisyon ng mga Filipino-Chinese sa Mano Po Legacy: The Family Fortune sa January 2022 na sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …