HARD TALK
ni Pilar Mateo
KUNG ilang taon ding dumaan sa matinding depression ang naging veejay sa Singapore at aktres na si Donita Rose sa buhay niya.
But for the nth time, muling bumangon ang dating aktres at sa Amerika na nito ipinagpatuloy ang kanyang panibagong buhay.
Dahil sa kaibigang Jessica Rodriguez, nakilala ni Donita ang may-ari ng chains of seafood restaurants doon. Si Krista Ranillo (yes, ang apo ni Gloria Sevilla kay Matt Ranillo III) at nakapagbukas ng kanyang Chirp and Oink ang aktres na isa ng chef doon.
Sa pakikipagkuwentuhang muli ni Donita sa OAGOT (Over A Glass Or Two) hosted by Jessy Daing and JCas (a podcast in New York), a glowing Donita surfaced.
No! Wala siyang lovelife! At ang dahilan ng noong una nga eh, ‘di niya napapansin na pagbabago sa mukha niya ay ang pagsalang niya sa ultherapy na tinatawag na nakapagpapapayat sa kanyang mukha.
Nakapagkuwento si Donita ng dinaanan niyang struggle sa pagpasok niya bilang chef sa nasabing restaurant sa Island Pacific Seafood Restaurant.
“Hindi naging madali. Parang nobody wanted ro believe na isang artista eh, magiging head nila soon. It’s not absolutely perfect. New job, so new challenges. When I came in, kahit kilala ako ng iba hindi naman ako tanggap ng iba. Eh, hindi trained ang iba. So, parang sino ka ba para i-train kami? O sabihan kami. Inner thoughts ko ‘yun. Kasi, hindi ko naman pwede ibaba ang standards ko. I am also a perfectionist. But as days went on, nage-gain ko na ang respect nila, except for one. 99% okay na, eh. Eh, hindi pa Filipino. ’Yung siya ang know-it-all. Ayaw magpaturo!”
Nag-start from zero si Donita. Na pansamantalang nawindang ang buhay, nang maghiwalay sila ng mister niya.
Pero ngayon ay mas naging okay na sila na magkahiwalay. Kaya may panahon na roon na nag-i-stay sa tatay niya ang anak na si JP.
Nagsa-suggest ang mga kaibigan na subukan niyang makipagkilala sa mga guy in Tinder. Pero, mas type ni Donita ang organic way o mas natural na flow of things lalo at may kinalaman sa pagkakaroon ng bagong magmamahal sa kanya.
Kung sino ang ibibigay ng Panginoon. At kung wala naman eh, kuntento na siya sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya, nilang mag-ina.
A lot of friends are helping her din na kung sakali eh, maipagpatuloy ang career niya sa harap ng camera.
Kung noon, may language barrier sa kanyang mga ginagampanan si Donita bilang aktres, ngayon eh mas mae-express niya ang hugot lines sa mga eksena kung kinakailangan.
Ang bihasa sa salitang panggalatok, sa edad na 47, na naging cover na ng TIME Magazine, na sabi nga niya eh has been at the top and bottom ng kanyang life, enjoys her walk with the Lord.
Kaya naman ang gusto niyang maging ka-partner pagdating ng panahon eh, isang taong hindi lang magmamahal sa kanya ng buong-buo kundi ‘yung maiintindihan din ang lalim ng relasyon niya sa Panginoon.
“Kasi, may times na I will be in a corner praying. Minsan umiiyak pa. Nakaluhod. Eh, nawi-weirduhan ang hindi makaiintindi sa mga ganoong bahay sa buhay ko. So, he has to be someone na maiintindihan ang relationship ko with the Lord.”
Samantala, mabenta ang ginagawa ni Donita sa kanyang mga pagkaing inihahain sa customers ng Chirp and Oink sa West Coast.
Asian Fusion. Na hahanap-hanapin mo. At nagkakatatak na ang kanyang mga ipinagmamalaking menu. Na exclusive lang sa Island Pacific.
Nabisita na siya ng mga kapwa niya artista roon like LJ Reyes, Ruby Rodriguez, Rufa Mae Quinto at marami pang napapadpad sa area niya.
Ever heard of Salmon Sinigang? Mas masarap i-taste ‘yun! Sinigang na walang sabaw!
With God in her life, in all circumstances, ano pa nga ba ang mahihiling niya?