Saturday , September 7 2024
Bianca Umali Halfworlds HBO

Pagbibida ni Bianca sa HBO series ‘di pa nagsi-sink-in

RATED R
ni Rommel Gonzales

INIHAYAG ni Bianca Umali na tapos na ang shooting nila para sa season 3 ng HBO series na Halfworlds, na inaasahang mapapanood na sa 2022.

“We finished shooting it already. We shot for the series for about a year and a half I believe, but the whole thing has been in the making for five years already,” sabi ni Bianca sa Kapuso Showbiz News.

Ayon pa kay Bianca, nasa proseso na ng editing ang production.

“Hopefully maybe third quarter of next year ma-release na rin ng HBO ‘yung series namin,” sabi pa ni Bianca.

Kahit tapos na sa kanilang taping, hindi pa rin makapaniwala na nakuha ni Bianca ang lead role ni Alex, isang half-human at half-engkanto.

“Honestly hindi pa rin siya nagsi-sink in talaga and everything else,” anang Kapuso actress.

“I think it will never sink in also. Everything is still, especially HBO is surreal talaga. It’s so hard na ma-accept ko siya as reality kasi kumbaga napakataas na pangarap niyon, and never ko pa nga siyang pinangarap eh, pero dumating siya sa akin,” ani Bianca.

“Kung paano nila ako nakikita, hindi ko alam kung paano ko siya tatanggapin because it humbles me and hindi ako makapaniwala na ito na ako ngayon. Kaya walang humpay na pasasalamat lang po ang gusto kong sabihin.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Boobsie Wonderland

Boobsie Wonderland ‘di nag-klik bilang sexy singer

HATAWANni Ed de Leon MANINIWALA ba kayong iyong komedyanteng si Boobsie Wonderland ay isang dating sexy singer? …

Teejay Marquez

Teejay mali ng diskarte, pagto-thong walang dating

HATAWANni Ed de Leon PARANG nagmumukha namang kawawa si Teejay Marquez, naghirap siyang nagpaganda ng katawan, …

MTRCB

PD 1986 ng MTRCB dapat amyendahan

HATAWANni Ed de Leon TINANONG ni Senador Jinggoy Estrada kung ano ang opinyon ng MTRCB (Movie and Television Review …

Tutop Romm Burlat

Direk Romm Burlat, mapansin na kaya ngayon sa Ani Ng Dangal awards?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TULOY-TULOY sa paggawa ng projects ang award-winning director na si …

A Journey to Greatness, The Marcos Mamay Story 

Mayor Mamay maraming hirap ang pinag daanan bago nagtagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang red carpet premiere night ng pelikulang pinagbibidahan nina Jeric Raval, Ara Mina, …