Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shido Roxas, Ali Forbes

Shido Roxas, mapangahas sa pelikulang Nelia

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

SUMABAK sa mainit na eksena si Shido Roxas sa pelikulang Nelia. Isa ito sa official entry sa gaganaping Metro Manla Film Festival na magsisimula ngayong December 25.

Ito’y pinagbibidahan ni Winwyn Marquez. Kasama rin sa pelikula sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Dexter Doria, Ali Forbes, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan.

Ang Nelia ay hinggil sa mental illness, depression, and anxiety. Ito’y hatid ng A and Q Productions Films Incorporated nina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Honey Quiño.

Ano ang role niya sa pelkula?

Tugon ni Shido, “I play the role of a doctor na medyo strict at may wild side rin.”

Aminado ang tisoy na actor na ang Nelia ang pinaka-daring niyang movie.

Pahayag ni Shido, “Opo, abangan po natin ang Nelia dahil kakaiba rin po ang ipinamalas na husay ng mga karakter na gumanap sa Nelia.”

Dagdag pa niya, “Most challenging role ko is sa Nelia. Mayroon po kaming love scene ni Ali Forbes na kailangan i-retake nang ilang ulit. Pinagpapawisan kaming dalawa at kailangan tuloy pa rin ang romansa, kahit mainit sa area ng scene namin.”

Sobrang hot ba talaga ng kanilang love scene?

Aniya, “Hot po si Ali, kaya hot din po ang kalalabasan ng eksena, hahaha!”

Pahabol pa ni Shido, “Very professional at Filipina si Ali, pero sana mas hinabaan pa.”

Gaano naman ka-game si Ali sa kanilang kaabang-abang na love scene?“Bihira lang po yung type ko na morena, pero si Ali, she gives what is required and palaban po si Ali. Malakas po ang alindog niya kaya bibigay talaga ang kahit na sinong kaeksena niya,” nakangiting wika pa ni Shido.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …