Tuesday , December 31 2024
PROMDI ni Fernan AngelesI
PROMDI ni Fernan Angeles

Dorobong haciendero

PROMDI
ni Fernan Angeles

HABANG abala ang marami sa paghahanda para sa nalalapit na halalan, sinasamantala naman ng isang sindikato ang pagbabakod ng mga lupain sa bulubunduking bahagi ng Binangonan, sa lalawigan ng Rizal.

Katuwiran ng sindikatong pinamumunuan umano ng mag-asawang nakabase sa Cardona, Rizal, sa kanila ang buong Binangonan – at maging ang malaking bahagi ng mga karatig-bayan. Pati ang lupang kinatitirikan ng mga munisipyo, himpilan ng pulisya, piitan, bahay-sambahan, husgado, pagamutang bayan at maging ang mga pampublikong paaralan, sa kanila daw lahat ‘yan!

Kilalang nakaririwasa ang pamilyang Guido. Taong 1991 nang maglabas ng desisyon ang Korte Supreme sa 7,000 ektaryang higit na kilala bilang Hacienda de Angono na bumabagtas sa mga bayan ng Cardona, Binangonan, Angono at Taytay. Ayon sa Korte Suprema sa mga Guido ang Hacienda de Angono, kalakip ang mga kondisyong tanging yaong wala pang titulo ang kanilang mababawi.

Bagamat kinatigan ang kanilang pinanghahawakang sinaunang titulo, hindi naman ito nangangahulugang sila na rin ang may-ari ng buong bayan ng Binangonan na may sukat na 7,270 ektarya, Angono na may sukat na 2,300 ektarya, Taytay na 3,880 ektarya, at Cardona na mayroon namang 3,115 ektarya.

Ang siste, marami na umano silang naibentang lupa sa mga pribadong kompanya at maging sa mga dukhang minsang nangarap magkaroon ng sariling tahanan, bagay na kanilang itinanggi matapos nilang makuha ang kabayaran.

Hindi lamang isa ang dumaing sa ginagawang pagbabakod ng sindikato. Ayon sa ating impormante, estilong magnanakaw ang pagbabakod – sa kalaliman ng dilim at bago pa pumutok ang araw, tambad na ang mga armadong guwardiyang handang pumatay sa sinumang sa kanila ay sisita.

Ang masaklap, pati ang mga tituladong lupa kanilang pinupuntirya, binabakuran at bantay sarado ng mga armadong guwardyang mula lang kung saang lupalop – bagay na idinulog sa pulisya na agad namang nagresponde bilang tugon sa kanilang mandato.

Ang problema, nabahag ang buntot ng mga pulis at iniwan ang mga kawani ng munisipyo matapos makita ang hindi bababa sa 40 armadong guwardiyang kinontrata ng sindikato.

Susmaryosep!

Nang makarating sa kinauukulan ang insidente, agad naglabas ng direktiba ang punong himpilan ng Philippine National Police (PNP) – sibak sa puwesto pati ang hepe.

‘Yan ba ang kalidad ng mga pulis na karaniwang takbuhan ng mga naagrabyado? Hindi ba’t bahagi ng kanilang mandato ang protektahan ang mga mamamayan at pairalin ang batas nang walang kinikilingan at pinangingilagan?

Hahayaan na lang ba ng PNP na maghari-harian ang dorobong haciendero? Kung hindi kaya ng PNP, puwede naman sigurong pasukan na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) para tuluyan nang tuldukan ang pang-aagrabyado sa hanay ng mga negosyante at mga pobreng mamamayang ang tanging kasalanan ay mangarap na bigyan ang pamilya ng sariling tahanan.

About Fernan Angeles

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …