Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda VAX GANDA USA TOUR

Vice click pa rinsa US, Vax Ganda USA TOUR may part 2

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

UNKABOGGABLE pa ring maituturingangisang Vice Ganda!

At ibang klase rin siyang magparamdam ng pasasalamat sa kanyang vlog. Hindi direkta. Pero tumama at marami ang tinamaan. Kaya marami ang nag-react.

Kung tutuusin, masasabi ngang wala ng hihilingin pa sa buhay niya ang komedyana.

On  the homefront, hindi lang kasi mga pangangailangan ng pamilya at mga kamag-anak ang na pagsumikap ang ihatid ni Vice Ganda hanggang sa pinakabunsong mga miyembro ng bawat pamilya nila. Pati mga luho na.

Mula sa kanyang dakilang ina. Hanggang sa katuwang niya sa buhay na si Ion Perez. At pamilya rin nito.

Kapamilya pa rin ang tuloy sa kanyang loyalty na si VG.

Marami ang hindi nagkagusto sa mga nabitawan nitong salita na niyaya ang driver niya sa simbahan para ipagdasal ang haters at bashers niya. Na kung ikukompara sa kalagayan niya, sila pa rin ang mga walang napagsumikapan sa mga buhay nila. Totoo naman, ‘di ba? Kasama na riyan ang mga Maritess sa mundong ito.

Kaya may mga nagsabing umano, hindi n amakababalik sa mga shows niya sa Amerika si VG. Inaayawan na raw kasi ng mga producer.

Bakit? Ang laki raw ng ulo nito sa kayabangan kasi hindi sinisipot ang mga paanyaya sa kanya ng mga Pinoy doon na tumatangkilik naman sa kanyang concerts.

Kaya, tinanong ko ang huling nag-produce ng series of concerts ni Vice roon sa Amerika na si Anna Puno.

Kung totoo ba na hindi na mauulit ang pagpo-produce niya ng shows ni Vice Ganda?

“Hindi totoo ‘yan! In fact may Vax Ganda USA TOUR part 2 next year in March. And since pandemic, very very limited ang meet and greet namin. And lahat pumunta at nagging maayos lahat. Sorry wrong chismis. Thanks for the update ”

Ipinakitarinsa akin ni Anna ang clips ng mga show ni VG sa sari-saring venue.

“Team VAX GANDA has felt all the love here in the East Coast, not only from the audience in attendance at Mohegan Sun but also especially from our very supportive SPONSORS who took special care of us while in NYC and Connecticut.

“On behalf of Team VAX GANDA, I would like to give my sincere THANK YOU to our sponsors in the East Coast:

“CONZERGE www.conzerge.com – My Dearest friend and whom I consider as family, THERESA GONZALES, who is also our NATIONAL TOUR SPONSOR for taking care of our accommodations both in LA and NYC  Thank you Darling!

“BEAUTY BUFFET – Sonny and Mayeth De Villa,  MC AESTHETICS – Marlou Colina and Cindy Dunlap

“And of course, to my most LOYAL SUPPORTER and FRIEND whom I have known since I started doing my concert business here in the US since 2002, ELTON LUGAY for all the hard work as my line producer to help us make this show a success.

“Again, thank you so much for all the love and support! God bless you all! ”

Kaya nga lahat ng involved sa show nabitbit ni VG at Anna ay happy sa naging experience nila sa piling ng ating mga kababayan sa bayan ni Uncle Sam!

So, tuloy ang pagpapasaya ng Unkaboggable.

An Unkaboggable for nothing!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …