Saturday , November 16 2024

Naingayan sa kuwentohan
BINATA TODAS SA BOGA NG PARAK

PATAY ang isang binata matapos barilin ng isang pulis na sinasabing naingayan sa kuwentohan sa bayan ng Bacolor, lalawigan ng Pampanga nitong 20 Nobyembre 2021.

Nabatid na tinamaan ng bala ang dibdib at leeg ng biktimang kinilalang si Abelardo Vasquez, Jr., 19 anyos, mula sa baril ng suspek na pulis na kinilalang si P/Cpl. Alvin Pastorin.

Ayon sa pinsan ng biktima, nagkukuwentohan silang magtitiyuhin sa labas ng kanilang bahay nang bigla silang sitahin ni Pastorin.

Sinabing naingayan ang pulis sa kanila at tinulak ang kanilang tiyuhin nang tangkain siyang kausapin.

Hinabol umano ng biktima ang pulis at doon na biglang nagpaputok ng warning shot na sinundan ng tatlo pang putok hanggang bumulagtang wala nang buhay ang biktima.

Sa ulat ng Bacolor police, sinita ang magpipinsan dahil wala silang suot na face mask at mga damit pang-itaas.

Dito nagkaroon ng pagtatalo ang grupo hanggang umalis ang pulis at nagtungo sa kanyang sasakyan.

Sinabi rin sa report na pinagbabato umano ng grupo ang sasakyan ni Pastorin at nangamba sa kanyang buhay kaya nagpaputok ng baril hanggang tamaan ang biktima.

Wala pang pahayag mula kay Pastorin ngunit nasa ilalim na siya ng kustodiya ng Bacolor Police.

Samantala, desidido ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso at papanagutin ang suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …