Sunday , November 24 2024
Tom Rodriguez

Tom sa publiko: ‘wag magpakakampante (kahit bumaba bilang ng Covid cases)

RATED R
ni Rommel Gonzales

NANINIWALA si Tom Rodriguez na ang bakuna ang dahilan kung bakit patuloy na bumababa ang mga kaso ng COVID-19.

“Grabe, from what, 20,000 cases lagi tapos ang tagal bumaba, tapos bigla ngayon from 4,000, then just a matter of week or so nasa 800 na tayo today.”

November 16, isang araw bago ginanap ang Zoom interview sa main cast ng The World Between Us ay 830 lamang ang naitalang bagong cases ng COVID-19 sa bansa. 

“So ako personally naniniwala ako na vaccination must have had something to do with that.

“For the longest time noong wala pang vaccination na nagro-roll out ang tagal talaga bumaba ng cases. 

“Kaya kung naniniwala man sila or hindi, sana magtulungan tayo kasi ‘yung iba may mga naririnig ako na sinasabi nila na, ‘Okay na silang mag-vaccinate, sila na lang, para tayo safe sila na kunwari walang side effect, at the same time andoon pa rin ‘yung proteksiyon.’

“Pero iyon eh, just because mayroong herd immunity doesn’t mean na immune ka pa rin individually or hindi ka magiging carrier or catalyst for other people who now get it as well.

“So tulungan na lang tayo, since lahat naman tayo sama-sama rito at nakita naman natin na nagkaroon ng effect, so sana panindigan natin.

“And hindi lang nagtatapos sa vaccination kasi kahit ngayon, tandaan pa rin natin na nagbubukas ang ekonomiya  dahil sa ekonomiya, hindi dahil sobrang ligtas na.

“So mag-ingat pa rin tayo, lalo ngayon, puwede na ang mga bata sa labas, protektahan din natin sila.

“Iwasan lang natin ‘yung maging sobrang kampante uli para mas ma-preserve pa natin ‘yung baba ng cases na mayroon tayo ngayon, na hopefully talaga ma-eradicate na natin kaysa magkaroon pa uli ng mga mutation, na sana ma-back-to-zero tayo uli,” mahabang pahayag ni Tom. 

Nitong Lunes ng gabi ay nagbalik sa GMA Telebabad block ang The World Between Us na tampok si Tom bilang si Brian Libradilla at sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith  kasama sina Jaclyn Jose at Dina Bonnevie. Idinirehe ito ni Dominic Zapata.

About Rommel Gonzales

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …