Sunday , December 22 2024
Marian Rivera Zia Sixto

Marian ‘di makagawa ng serye hirap mawalay sa mga anak

RATED R
ni Rommel Gonzales

TANGGAP na ni Marian Rivera na dahil sa COVID-19 ay tipong parte na ng buhay natin ang mga lockdown, quarantine, at iba’t ibang health and safety protocol para makaiwas sa sakit na hatid ng coronavirus.

Alam ng lahat na simula talaga noong magkaroon ng pandemic, hindi na siya gumawa ng mga proyekto na hindi work from home. Sa bahay nga ang shoot ng spiels ni Marian para sa Tadhana ng GMA.

At ang pandemya ang isa rin sa mga dahilan kaya hindi niya nagagawa ang umarte at gumawa ng teleserye o soap opera.

Pero sa darating na 2022, posible kayang magbalik na siya sa pag-arte, lalo pa nga’t marami na ang nakaka-miss sa Primetime Queen ng GMA?

“Naku, kasi ang hirap sabihin kUng on-the-spot na oo o hindi. Kasi depende pa rin iyan sa magiging sitwasyon at protocol ng GMA.

“Kasi kung kaunting araw lang naman, bakit hindi, ‘di ba? Let’s compromise. Pero kung katulad ng lock-in taping na mawawala ako ng isang buwan para sa mga anak ko, medyo mahirap iyan para sa akin.

“Siyempre, ang mga anak ko, umaasa iyan sa akin. Si Zia nag-aaral, si Sixto, sa akin. So, mahihirapan ako. 

“Tingnan natin, baka naman next year, mas okay na. Mas smooth na ito at alam na natin kung paano diskartehan.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …