Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Shaira Diaz

Shaira dream come true ang mailagay sa EDSA billboard

RATED R
ni Rommel Gonzales

KAHIT may mga artista mula sa ibang estasyon na nagsisilipat sa GMA, hindi pinababayaan ng Kapuso Network ang kanilang mga artist. 

Sa katunayan, sunod-sunod ang renewal kamakailan ng GMA sa kanilang mga contract star tulad nina Arra San Agustin, David Licauco, Christian Bautista, Shaira Diaz, Max Collins, Ervic Vijandre, at Andrea Torres.

Kaya naman ikinatuwa ng labis ni Shaira na sa ikaapat na taon ay Kapuso pa rin siya.

“Iyon nga po eh, nagulat din po ako! 

“I mean, nakatutuwa, ang sarap po sa pakiramdam na ini-renew po nila ako. Siyempre sobrang nagpapasalamat ako kasi ever since na nag-start ako noong 2018 po with them, ang gaganda po ng mga project na inilatag sa akin at ipinagkatiwala sa akin.

“Especially ‘yung ‘Love You Two’ with Jennylyn tapos nakasama ako sa love triangle nila ni Kuya Gabby.”

Umere sa GMA noong April 2019 ang Love You Two na bida sina Jennylyn Mercado, Shaira, at Gabby Concepcion.

“So roon pa lang, naramdaman ko na pinagkakatiwalaan nila ako kasi para maisama ka roon as third wheel, naging mag-boyfirend-girlfriend kami ni Sir Gabby, tapos ate ko si Jennylyn, ang sarap sa pakiramdam, sobrang nagpapasalamat po ako sa GMA.”

Samantala, nabanggit namin kay Shaira na nakita sa Instagram posts niya ang labis niyang katuwaan tungkol sa bilboard niya sa EDSA na inilagay noong Mayo para sa Bench Skin Expert na napapagitnaan siya nina Richard Yap at Pambansang Kamao Manny Pacquiao

Banggit nga namin kay Shaira, hindi lahat ng artista ay pinapalad na magkaroon ng billboard, lalo na sa parteng iyon ng EDSA.

“Iyon nga po, eh! Si Pacman pa ‘yung ano…Sobrang saya rin, dream come true ‘yun kahit noong bata pa lang ako, nag-i-start pa lang ako as commercial model sa mga TV commercial.

“So iyon, isang malaking bagay na mailagay ka kasi parang ‘pag EDSA/Guadalupe parang iyon ‘yung major na billboard eh, so dream come true po talaga ‘yun. Sobrang nagpapasalamat din ako siyempre sa Bench family ko kasi inilagay nila ako roon, napili nila akong ilagay.

“Na parang hindi ko akalain na anytime sooner na mailalagay ako roon.

“Sobrang nagpapasalamat ako, parang sabi nila na parang, hindi kompleto ‘yung pagiging artista mo kung hindi ka mabi-billboard doon, so it’s an honor na mailagay doon,” ang masayang sinabi pa ni Shaira.

Malapit ng mapanood si Shaira sa Lolong ng  GMA na sila nina Ruru Madrid, Arra San Agustin, at Christopher de Leon ang mga bida. 

Napapanood din si Shaira sa I-Bilib kasama nina Chris Tiu at ng mahusay na komedyanteng si Roadfill Macasero na nagagawang masaya at puno ng kaalaman ang inyong Sunday mornings,  with I-Bilib!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …