HATAWAN
ni Ed de Leon
MAY mga nakapansin, kahit na raw naunang pumasok sa pelikula si Marco Gumabao kaysa kapatid niya sa ama na si Paulo Gumabao, mukhang nalampasan na siya niyon sa popularidad. Paano namang hindi, eh mas matapang si Paulo na ibuyangyang ang kanyang dapat itinatagong private parts, na hindi naman nagagawa ni Marco. Hanggang sa dialogue lang nasasabing “ang laki-laki,” hindi tuloy kumita ng malaki ang pelikula.
Bukod doon, bigla pang nanalong best actor si Paulo sa isang festival sa abroad. Festival na hotoy-hotoy lang naman iyon.
Hindi iyon isang major film festival, pero maski na. Best actor award pa rin iyon na hindi pa nakukuha ni Marco.
Marami ang nagsasabing mukhang si Paulo nga raw ang nakalalamang sa minana sa tatay nilang si Dennis Roldan. Palagay namin kailangang mag-isip na si Marco.