Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz, Isabel Santos

John Lloyd at Isabel may espesyal na ugnayan nga ba?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

INILILIHIM nga ba ni John Lloyd Cruz ang sinasabing bagong girlfriend nito, ang painter na si Isabel Santos? Ang pagtukoy sa bagong GF ni Lloydie ay ayon sa netizen na may matatalim na mga mata at memorya.

May na-monitor ang netizens na serye ng Instagram posts ni Isabel na may mga litrato ng isang lalaking nakatalikod na ka-profile ng likod ni John Lloyd. Madalas ay may kasamang dalawang aso ang lalaki. Identified ang dalawang aso na ‘yon na pag-aari ni Isabel.

Noong November 8, isang fan account ang nag-repost ng litrato ni John Lloyd na sinasabing mula sa Instagram Story ni Isabel.

Kasama ni John Lloyd sa loob ng sasakyan ang dalawang puting aso na tugma sa mga alagang aso ni Isabel na sina Noah at Benny.

May post din umano si Isabel ng litrato ng lalaking nakatalikod, kasama pa rin ang dalawang aso, na kuha sa umano’y harapan ng bahay ni John Lloyd sa Antipolo. 

May litrato ang lalaking nakatalikod na kuha umano sa infinity pool sa resthouse ni John Lloyd sa Batangas. Kasama pa rin ng lalaki ang dalawang aso. 

Magkakilala sina John Lloyd at Isabel dahil sa art scene.

Noong June 13, ipinost ni John Lloyd sa Instagram n’ya ang litrato ng painting na gawa ni Isabel at ng ina nitong si Mona.

Anak si Isab nina Soler at Mona Santos na mga respetadong contemporary Filipino artists.

Si Soler ay anak ng yumaong award-winning painter at cartoonist na si Mauro Malang Santos.

Ayon sa ulat ng Preview noong 2019, nakapag-exhibit na si Isabel ng kanyang art pieces sa New York, Germany, at France.

Nanalo siya ng grand prize sa isang global shirt design competition na may temang Draw Your World at ka-partner ng brand ng shirt na iyon ang The Museum of Modern Art (MOMA) sa New York. 

Okey lang naman na ilihim ni John Lloyd ang lovelife n’ya. Pero okey din na alamin ‘yon ng netizens sa mga paraang legal at moral. Mali lang ‘yon kung nilolooban nila ang bahay nino man para makakuha ng litrato.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …

Andres Muhlach Bagets The Musical

Aga pinaiyak ni Andres;  Charlene, Mommy Elvie kinabahan  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA-IBANG komento ang narinig namin sa pagbibida ni Andres Muhlach sa Bagets, The Musical. May …