Friday , November 22 2024
Ex Battalion, BTS

Ex Battalion BTS ng ‘Pinas?

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 MARAMI ang nagulat sa presyo ng ticket ng nalalapit na concert ng Ex-Battalion, ang EVOLUXION: An Ex Battalion Online Concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum sa December 11.

Nagkakahalaga kasi ng P35,000 ang pinaka-VIP ticket o ang tinawag nilang, Atin ang Gabi package. Kaya marami ang nagsabing ang Ex Battalion ang BTS ng ‘Pinas dahil sa mahal ng presyo ng tiket.

Esplika naman ng isa sa producer ng show na si RS Francisco, “I’ve scheduled a dinner not just in any restaurant, a dinner in Manila Hotel plated dinner where in they can meet and greet and literally have photos with them, chat with them, get to know them, ask them questions live face to face and especially the ‘Atin ang Gabi’ package.

Wherein after that dinner magkakaroon ng after party with full force Ex Battalion, magkakaroon sila ng listening session, party session. These boys marami silang unreleased songs pa na ‘di pa lumalabas.  Lalabas pa sa 2022 pero dahil kinuha ‘yung Atin ang Gabi package maririnig nila for the first time, sila ang unang makaririnig ng songs na ‘yun. At saka ito jamming talaga as in hindi ‘yung literal na nakaupo lang sila.”

Sinabi pa ni RS, “I was the one who actually open the idea of having a VV-VIP tickets. Of course, as we know these boys have millions of fans and kunwari ako fan nila, baka mabitin ako sa concert lang.

Sometimes may ganoon, eh, baka mabitin ka kaya naghahanap ka pa ng zoom na ‘yung grupo mismo, sila magha-hi and hello. May ibang sa sobrang fan nila, bitin pa rin ‘yung ‘hi and hello’ gusto nilang makarinig ng kuwento.

May access to online concert, plus Printed Ticket, EXB Greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster. With EXB Mask and Shirt, RS Mask and Shirt, SV shirt and jacket. An exclusive dinner with the EXB and an exclusive access to the Listening Party (inclusive of cocktails) featuring never-before-heard (Unreleased) Ex B tracks.

Marami talaga akong fans na pini-PM ako sa Facebook na kumusta sina Honcho, Skusta Clee, Flow-G, King Badger, Emcee Rhenn, Brando, Jroa, Yuridope, Jekkpot, Huddasss, Jnskie, Bullet-D, Cent, E.I.J . As in marami silang gustong malaman about these boys.

Kaya (naisip ko), t’eka gawa kaya tayo ng VV-VIP Tickets na kung saan they will get to know these boys na they can have dinner with them.”

Bukod sa Ex-Battalion na binubuo ni lna Honcho, Skusta Clee, Flow-G, King Badger, Emcee Rhenn, Brando, Jroa, Yuridope, Jekkpot, Huddasss, Jnskie, Bullet-D, Cent, E.I.J . kasama rin sa virtual media conference sina RS ar Sam Versoza.

Bukod sa P35,000, mayroon din namang kayang-kaya ang halaga, ito ay ang TROOP 1: EXACTO – P300.00 Access to online concert; TROOP 2: EXCLUSIVE EXPERIENCE – P500–Access to online concert plus EXB Greetings via Zoom.

Isang separate zoom link naman ang ise-sent ngproducers sa TROOP 3: EXCITING EXPOSE – P750–Access to online concert plus EXB Greetings via Zoom, and EXB “Inside Kwento” via zoom gayundin sa TROOP 4: EXTRAORDINARY EXHIBITION – P1,250–Access to online concert, plus Printed Ticket, EXB Greetings via Zoom, and EXB “Inside Kwento” via zoom. Printed tickets shall be claimed at the Frontrow head office; separate zoom link will be sent by the producers;TROOP 5: EXTREMELY EXPLOSIVE – P2,000–Access to online concert, plus Printed Ticket, EXB Greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, and a signed EXB poster;TROOP 6: EXTENDED EXCITEMENT – P20,000 Access to online concert, plus Printed Ticket, EXB Greetings via Zoom, EXB “Inside Kwento” via zoom, signed EXB poster. With EXB Mask and Shirt, RS Mask and Shirt, SV shirt and jacket, and an exclusive dinner with the EXB.

Sinabi pa ni RS na bagamat 500 ang capacity ng Centennial ball room ng Manila Hotel, hindi nila itinodp ang makakadalo sa ‘Atin ang Gabi’ package dahil na rin sa health protocols na ipinatutupad ng IATF.

The ballroom can accommodate 500, pero dahil may percent (limit), so we’re just getting 20% capacity kaya 100 pax lang allowed doon,” giit ni RS.

Sa December 15 gagawin ang VV VIP tickets kaya pagkatapos nilang mapanood ang idolo nila ng December 11ay makakasama naman nila ng personal pagkalipas ng apat na araw.

Sa kabilang banda, tiniyak ng Ex-Battalion ma sulit ang mga manonood ng kanilang concert na EVOLUXION: An Ex Battalion Online Concert dahil aabutin ito ng tatlong oras at bongga ang bawat production numbers dahil nilagyan ng kakaibang areglo ng musical director na si Raul Mitra ang mga awitin nila.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …