Saturday , November 16 2024
Emma Cordero

Emcor pararangalan sa Gawad Amerika 2021, sumuporta sa Feeding and Gift Giving ng TEAM

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

PARARANGALAN ng Gawad Amerika 2021 sa Nov. 20 ang kilalang pilantropo, mang-awit, media influencer, binansagang Asia’s Princess of Songs at crowned Woman of the Universe sa Mrs Universe 2016 sa Guangzhou, China na si Ms. Emma Cordero o  Emcor sa ilan, bilang Most influential Global Performing Artist sa Celebrity Centre International sa Hollywood, California,USA.

Sa FB account niya, nagpaabot ng pasasalamat si Emcor, “Ako’y nagpapasalamat sa karangalang ibibigay ng 2021 Gawad Amerika. Dahil sa karangalan pong yan, mas ninanais kong lalo pang mapaganda at aktibo kong magawa ang aking Official Facebook Live para sa aking performances at international charity concerts. Salamat sa mga taong napapasaya ko at tumatangkilik ng aking musika. Ang award na ito ay para sa aking family and friends who do like, share, follow and support which inspired me to continue my charity works. It boosts my self-esteem and dedication to my singing career.”

Katatapos lang ang matagumpay na two-day charity concert ni Emcor sa ilalim ng NPO Hougin Foundation sa Chuo Park, Fukuoka, Japan. Pero bago ang pandemya, she had several singing stints around Asia, the United States and in Europe. Saad ni Emcor, “Ayaw kong huminto sa paggawa ng kabutihan. That’s the only thing I could do to survive happily in this pandemic.”

Suportado niya ang proyektong Feeding and Gift-Giving ng TEAM (The Entertainment Arts and Media) sa ampunan ng RSCC (Reception and Action Center for Children) at elders sa GRACES (Golden Reception and Action Center).

“May soft spot sa akin ang mga nasa ampunan, kaya ko naitatag ang aking The Voice of An Angel Foundation dahil sa pagmamahal ko sa mga bata. Ramdam ko ang hirap ng mga batang ulila, namaltrato o hindi makapag-aral. Sila ang angel ng buhay ko kaya basta sa usaping bata, nandiyan ang attention at puso ko. Pagdating sa elders, magulang din ako kaya alam ko ang pakiramdam na mahiwalay sa mga anak. Sana dumating ang araw na mas kumaunti na lang ang mga abandonadong mga magulang sa Home for the Aged at kupkupin sila ng mga kaanak o muli silang makapiling ng kanilang mga mahal sa buhay.

“May kanya-kanya mang kuwento ang mga bata at mga magulang na ito kung bakit sila napunta sa mga ampunan at home for the aged, sana’y patuloy nilang makamtan ang masayang buhay. Iga-guide ni God ang mga taong magmamahal sa kanila kaya saludo ako sa grupo nyo, sa TEAM dahil solid talaga kayo kung magmahal ng kapwa,” masayang sambit pa ni Emcor.

As CEO at president ng Our Lady of Fatima de San Pedro School sa Laguna at kanyang Voice of an Angel Foundation, patuloy ang suporta niya sa scholars mula elementary, secondary, at tertiary levels sa mga mahihirap na pamilya.

Totoong sagana sa positive ideas si Emcor sa pagharap ng kahit anong problema kaya naitatawid niya ang buhay nang maayos.

About Nonie Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …