Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino, Mel Sarmiento

Kris at Mel nag-date sa isang fastfood chain (habang naka-gown at barong)

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

CUTE ang ‘first date’ nina Kris Aquino at fiance nitong si dating DILG Secretary Mel Sarmiento dahil ginawa ito sa isang fast food restaurant ng hindi sinasadya.

Galing sa isang kasalan sa Tagaytay City sina Kris dahil isa siya sa ninang at nang pauwi na sila ng Manila ay ilang oras silang nasa biyahe at marahil nagutom kaya huminto sila sa isang fast food along the highway.

Base sa post ni Kris, “It was more than 3 hrs to get back kaya nag stop sa fast food and it’s been YEARS since I’ve entered that particular brand and after the pandemic naaliw sa kin everyone with me especially Mel, because I said ang sarap maging normal, regular person.

“Sinira ni 
@rbchanco because sabi nya wala raw nag da-dine in naka gown and nagpapa picture lahat ng crew. I said walang basagan ng trip… I just want to say thank you to the service crew at McDo Silang for having been so gracious & opening up an area for us. 1st time Mel & I ever ate out so you can say it was our 1st date – we won’t forget you. (emoji 4 yellow hearts).”

Samantala, nag-post si Kris ng pictures thru video ng mga kuha sa kasal na dinaluhan nila ng kanyang fiance.

“Congratulations Sheryl & Kit Dichaves… Sheryl, you and @59.flowercafe have been a major part of our love story so it was really my honor to be your ninang during your very special day. Love talaga kita because in order for us to get home parang na tour ko na 1/4 of Cavite: our route Tagaytay, Silang, Dasmariñas, Molino Cavite extension through Daang Hari then Alabang, the Skyway and finally naka exit na to BGC. (If I missed any part of the route, I’m sorry kasi feeling ko may Imus and Bacoor kaming nadaanan but my team said NO.).”

Binasa namin ang mga komento at naaliw kami dahil binabati sina Kris at Ginoong Mel ng ‘congratulations’ na inakalang sila ang ikinasal.

Say ni @jerome.m.padilla“’ung akala ko kinasal si Madame, di ko kasi binasa ‘ung caption. Nakaka-happy na love love love na talaga si madame.”

Mula kay @crying.atthedisco_, “Wow not sure why pero kinilig po ako dun sa picture niyo ni sir Mel sa Mcdo!! Para po kayong galing ng prom then evening nag-date sa Mcdo hahaha! Love you po!”

Komento ni @cruzadachristian

, “Nice idols nice and beautiful people and hi and hello hello my super cutie cutie idol Kristeta and b safe and healthy and GOD BLESS idols and congrats idols sa newly wed lovely couple.”

Anyway, sana magdagdagan na ang timbang ni Kris bago siya maging ganap na Mrs. Mel Sarmiento.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …

Rabin Angeles Angela Muji

Rabin sobrang na-challenge sa lauching movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA talaga ang Viva Entertainment dahil sa pagpasok pa lang ng 2026, heto …

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto Aquino

Rabin inamin matagal nang crush si Angela, A Werewolf Boy binago ang ending

NAKAGUGULAT ang tinuran ni Rabin Angeles nang amining bata pa man siya’y crush na niya ang ka-loveteam …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …