Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ina Feleo, Max Collins, Rocco Nacino, Carla Abellana

Max aminadong hirap humanap ng emosyon sa To Have And To Hold

Rated R
ni Rommel Gonzales

HINDI maisasakatuparan nang husto ang kuwento ng To Have And To Hold na binuo ng head writer na si Denoy Punio, kung wala ang malalim na paghimay ni Direk Don Michael Perez.

Kaya ganoon na lang ang papuri ng versatile actress na si Ina Feleo na gaganap na Quel sa soap sa tuwing mapag-uusapan si Direk Don.

Ikinuwento ni Ina kung paano binigyang-buhay ng kanilang direktor ang mundo nina Erica (Carla Abellana), Gavin (Rocco Nacino), at Dominique (Max Collins).

“I also would like to commend our director- si Direk Don Michael Perez, kasi talagang the guidance [na ibinigay niya]. Ako kasi, kami ni Valeen pareho kami ganyan, para kaming aligaga, laging bukas ang mga tenga naming. So kahit hindi para sa amin, ‘yung direction lagi kami nakikinig. And I love the way he directs! I love the way he gives mga little adjustments to the scene.”

Samantala, aminado naman si Max Collins na naging mahirap gampanan ang role ni Dominique, dahil true to life ang karakter na ibinigay sa kanya.

Very specific din ang hiningi sa kanya ni Direk Don tuwing haharap sa kamera bilang asawa ni Gavin.

“Kasi nasanay ako na inaarte ko lagi and dito because of the leadership of Direk Don, he was so amazing on being supportive and really encouraging us to find truth in all our scenes. And really make it as real as possible and because we have an amazing script from Miss Denoy Punio – we were given the opportunity to do so and it was harder para sa akin, kasi hindi ako sanay mag-dig deep. Hindi ako ganoon ka-emotional eh, it was really hard for me to look for those emotions and open myself up.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …