Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kiko Matos, Manipula

Kiko Matos aktibo sa pelikula at serye kahit pandemya

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

SA loob lang ng limang-araw natapos ni Direk Neal “Buboy” Tan ang mahahalagang eksena ng kanyang Manipula na pinagbibidahan niya Ana Jalandoni at ng kontrobersiyal ngayong si Aljur Abrenica sa Pampanga.

Suspense-thriller ang tema ng istorya ni Direk para kina AJ at Aljur.

Oo, napansin namin na AJ ang initials ni Ana. Kaya tinukso na ng mga kaharap na press si Aljur na mukhang mahilig talaga ito sa initials na AJ.

Hindi naman skitzo ang katauhan ni Ana sa pelikula pero sasakay pa siya sa limang katauhan para lang magawang paghigantihan ang mga taong nagkaroon ng atraso sa kanya.

Isa  nga sa paghihigantihan ng karakter ni Ana ay ang napapabilang na sa hanay ng mga nagko-kontrabidang si Kiko Matos.

Hindi naman siya ang gumanap na rapist ni Ana sa pelikula. Pero sizzling na masasabi ang mga eksena nila nito sa magiging engkuwentro nila.

Nagpapasalamat naman si Kiko sa mga biyaya.

“After ng closing ng ABS-CBN, nawalan ako ng trabaho. Marami kami. Pero nagkaroon ako ng pagkakataon na magamit ang mga ibang platform gaya ng YouTube. Roon ako nagkaron ng Kiko Matos TV.

“Nakita ko naman ang reaction talaga ng mga tao na marami ang galit sa akin. Ako naman, I am just enjoying it. Iba-iba ang ginagawa ko. Basketball. Boxing. Online.

“Hindi naman nagtagal, streaming na ang ginagawa ko. On the side, kahit nagka-pandemya na nakagagawa pa rin ng mga pelikula, mga serye. 

“Kami ni Baron (Geisler)? Okay na okay. Ang layo na nga niya. Gusto ko nga siya makita. Malay mo makapag-organize tayo ng trip to Cebu para madalaw siya. Tapos na ‘yung journey namin na ‘yon.”

Papasok na ang halalan. Ang panahon ng kampanya. May mga nanliligaw na ba kay Kiko para suportahan niya? At alam na ba niya ang iboboto niyang Pangulo sa 2022?

“Wala pa namang nagpaparamdam. Pero mayroon na akong pinagpipilian. Either si BBM or si Ping Lacson. Pero mas nakapaling ako kay Ping. Sinusubaybayan, binabasa, at pinanonood ko naman ang lahat ng tungkol sa kanila like sa ping.com.ph.

“Noon pa lang namang nagsimula siya bilang Senador, marami na siyang mga nagawa para makuha niya ang trust ng sambayanan. Mula sa hindi paggamit ng pork barrel niya hanggang sa pagiging walang bahid pagdating sa korapsyon. Marami pa. Sila ni BBM ang naiisip ko. Pero sa ngayon, mas si Ping ang napupusuan ko. Kaya pasok ang ka-tandem niya na susuportahan ko.”

Nagsisikap na mabuti si Kiko sa kanyang bukay sa harap ng kamera yaman at isa na siyang pamilyadong tao.

“Iba na ngayon. Kapag may mga mahal ka sa buhay, asawa at anak na inaalala mo na sa bawat galaw mo, aalagaan mo na ang bawat galaw mo.”

Natanong ko si Kiko at mga kasama niya kung paano niya masasabing sexy ang isang lalaki. What makes a man sexy?

“Wala sa pisikal. Nakikita ‘yun sa paninindigan niya.”

At siguradong hindi nagma-manipula. Na gaya ng babaeng makasasagupa niya sa eksena nila.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

Heart Evangelista Cecilia Ongpauco

Heart at momnager ginaya eksena sa The Devil Wears Prada 2

I-FLEXni Jun Nardo BACK to work and back to Parish Fashion Week si Heart Evangelista, huh! But this …

ccCrissha Aves Miss Teenager Universe Philippines 2026

Crissha Aves iuuwi korona sa Miss Teenager Universe 2026

MATATAS sumagot at kitang-kita ang tiwala sa sarili ng 15-year-old beauty queen na si Crissha Aves na …