Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Torres

Andrea nakasungkit muli ng int’l. movie project

Rated R
ni Rommel Gonzales

WALA tayong kamalay-malay na umalis pala ng bansang Pilipinas si Legal Wives star Andrea Torres.

Ito ay matapos muling makasungkit ang aktres ng panibagong international movie project.

Ito ang pangalawang international movie project ni Andrea. Taong 2016 unang gumawa si Andrea ng international movie sa Cambodia para sa Fight for Love, na co-produced ng GMA Network and Cambodian Television Network (CTN).

Very proud si Andrea na mapasamang muli sa isang international movie.

“Siyempre po, proud ako and very, very excited. Gusto ko lang talaga na ipakita sa kanila kung paano tayo magtrabaho. Gusto ko rin, ‘yung mga boss ko sa GMA matuwa sa kung ano rin ‘yung sasabihin nila about us,” pahayag ni Andrea.

Itinuturing niyang panibagong blessing ang proyektong ito, na tila kukompleto sa isang napakasuwerteng taon para kay Andrea.

“Hindi ako makapaniwala! Napakalaking blessing na napakaganda ng taon na ito for me in terms of career. I’m very, very happy lang talaga,” bahagi ng aktres.

October 21 nang nagtungo si Andrea sa Argentina, para i-shoot ang ilang mga eksena ng pelikula.  Mamamalagi siya roon ng dalawang linggo.

Pasional ang tentative title ng pelikula, na gaganap si Andrea bilang isang tango dancer. 

Ang pelikula ay co-production ng Filipino producer, Argentinean producer, at GMA Network.

“It’s actually a love story. ‘Yun ‘yung pinaka-nae-excite ako kasi gustong-gusto kong gumagawa ng mga love story. I don’t want to say anything that might spoil it, pero natuwa lang ako sa idea kung paano sila nag-meet kasi parang destiny na magkita sila,” paliwanag ni Andrea.

Si Andrea lang ang tanging Filipino sa main cast pero magkakaroon din ng shooting dito sa Pilipinas, na nakatakda sa unang bahagi ng susunod na taon.

Samantala, patuloy na umaani ng papuri ang BetCin, ang mini-series na may walong episodes na bida sina Andrea (as Cindy) at Kylie Padilla (as Beth). Palabas ito sa WeTV at iFlix.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …