Sunday , December 22 2024
Valenzuela BikeCINATION

May kasamang livelihood assistance
56 VALENZUELANO NAKATANGGAP NG LIBRENG BISIKLETA

INILUNSAD ng pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) ang BikeCINATION Project at provision ng e-Loading livelihood assistance na ipinagkaloob sa 56 benepisaryo.

Sa tulong ng City Public Employment Service Office (PESO), 56 benepisaryo ang sumailalim sa social preparation training para matiyak ang sustainability ng kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng proyekto.

Ang mga benepisaryo ay kabilang sa displaced workers na apektado ng health at economic crisis sa pandemyang dulot ng CoVid-19, out-of-school youth, at persons with disabilities (PWDs) na certified fully vaccinated.

Sila ay nakatanggap ng libreng bisikleta na may insulation bag, protective helmet, reflective vest, bike rack, water bottle, smartphone, at electronic load wallet na may P5,000 halaga ng load para suportahan ang kanilang delivery start-ups.

Dumalo sa awarding ceremony si Mayor Rex Gatchalian kasama sina Atty. Marion Sevilla, DOLE-NCR Assistant Regional Director, DOLE CAMANAVA Field Office Director Rowella Grande, DOLE-CAMANAVA Senior Labor Officer Ronald del Rosario, at Livelihood Coordinator Carlo Gatchalian.

Hinikayat ni Carole Malenab, Public Affairs Manager ng GRAB Philippines, ang mga benepisaryo na mag-apply bilang GRAB freelancer sa buong lungsod gamit ang kanilang bagong bisikleta bilang karagdagang pinagkukunan ng kabuhayan.

Ang DOLE BikeCINATION ay isang espesyal na proyekto sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program na naglalayong pagaangin ang epekto ng pandemya sa pamamagitan ng insentibo sa informal sector workers sa A4 category na nakakompleto ng dalawang dose ng CoVid-19 vaccines.

Target ng proyektong hikayatin ang informal sector workers na magpabakuna upang makatulong sa paglaban ng bansa sa pandemya. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …