Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang suot na face mask
2 KALABOSO SA P.4-M SHABU SA KANKALOO

IPINAHAMAK ang dalawang tulak dahil sa katigasan ng ulong ayaw magsuot ng face mask nang sitahin matapos makuhaan ng mahigit P.4 milyon halaga ng ilegal na droga nang sitahin ng mga pulis, sa Caloocan City, kamakawala ng gabi.

Kinilala ni Caloocan  City Police Chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong mga suspek na sina Dave Aguilar, 44 anyos, residente sa Lakas ng Mahirap St., Brgy. 10, at Ramoncito Dasigan, alyas Ramon, 27 anyos, ng Brgy. San Roque, Navotas City.

Ayon kay Col. Mina, dakong 10:30 pm, habang nagsasagawa ng Simultaneous Enhanced Managing Operations (SEMPO) ang mga tauhan ng Sangandaan Police Sub-Station 4 na sina P/Cpl. Robert Gabano at Pat. Charles Harry Son Ferro sa Lakas ng Mahirap St., Brgy. 10 nang sitahin nila ang mga suspek dahil walang suot na face mask.

Nang hanapan ng identification (ID) card,  tumanggi ang mga suspek at tinangkang tumakas ngunit agad din silang napigilan ng mga pulis at naaresto.

Nang kapkapan, nakuha sa mga suspek ang isang itim na pouch at 14 pirasong plastic sachets na naglalaman ng 66 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P448,800.

Nahaharap sina Aguilar at Dasigan sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC at Section 11 Art II of RA 9165 na isinampa ng pulisya laban sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutors Office. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …