Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun ban

2 teenager sugatan sa boga ng POSO

DALAWANG menor de edad ang nasugatan sa pamamaril ng lasing na 59-anyos lalaki, empleyado ng Public Order and Safety Office (POSO) sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga biktima na kinilalang sina alyas Linda, 15 anyos, ng  Brgy. San Miguel, Taguig City, at isang alyas Zanjo, 13 anyos, estudyante, ng Barangay Hagonoy, Taguig kapwa may tama ng bala sa katawan.

Agad nadakip ang suspek na si Nelson Voluntarioso, 59 anyos, ng 55 Ginseng St., Creekland, Barangay Hagonoy, Taguig City, nahaharap sa kasong Frustrated Murder.

Kasamang dinampot ang kinakasama nitong si Ellen Betita, 52 anyos, para sa kasong Obstruction of Justice at anak na si Neil John Voluntarioso, 24 anyos, binata, isang declogger, dahil sa Obstruction of Justice at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa ulat nangyari ang insidente sa Creekland, Hagonoy,Taguig City dakong 2:00 am nitong Lunes.

Sa inisyal na imbestigasyon, magkasamang bumili ng meryenda ang dalawang biktima ngunit habang pauwi biglang lumabas ng bahay ang lasing na si Nelson saka nagpaputok ng hindi batid na kalibre ng baril, na tumama sa mga biktima.

Nagsagawa ng follow-up operation ang Sub-Station 9 sa pangunguna ni P/Maj. Crisanto Agualin at Barangay Security Force sa lugar, habang isinasagawa ang pag-aresto laban kay Nelson ngunit nakialam ang misis nitong si Betita at anak na si Neil na minalas pang makuhaan ng 10.8 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P73,440. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …