Thursday , May 9 2024
Manny Pacquiao, Survey

Pulse Asia: Manny Pacquiao top 1 sa trusted candidate/s? (The magic of surveys)

BULABUGIN
ni Jerry Yap

HETO na naman ang “game of mind conditioning” sa pamamagitan ng survey says!

Batay daw sa Pulse Asia Survey nitong Setyembre, lumutang si Senador Manny Pacquiao bilang top 1 sa pinakapinagkakatiwalaan mg mga Filipino sa hanay ng presidential candidates.

Sa tanong na, “In your opinion, who among the following probable presidential candidates will not steal from the government?”

Pinakamarami umano ang sagot na: “Pacquiao.” At sa mga na-interview, 20% ang nagsabing para sa kanila, hindi magnanakaw si Pacquiao.

Sumunod sa kanya si Davao City Mayor Sara Duterte na nakakuha ng 12%. Batay ito sa privately commissioned na rider question ng Pulse Asia survey.

Nakamit umano ni Pacquiao ang most trusted rating dahil sa malinis na imahen at reputasyon. Tumatak din sa isip ng mga tao ang pagiging maka-Diyos ng mambabatas.

Naging ambag din ang kanyang sportsmanlike attitude pagdating sa ring at kababaang-loob, kaya nakuha ang tiwala ng mga nag-response sa survey.

Malaki ang kontribusyon dito ng media photos and videos ni Pacquiao kasama ang ilang world leader tulad ng American presidents na sina President Bill Clinton, President Barak Obama, at noo’y Vice President Joe Biden, gayondin si Prince Harry ng England.

Survey ‘yan noong Setyembre. May lalabas pang mga bagong survey mula sa iba’t ibang survey companies… abangan na lang natin.

Yahoo, yahoo, yahoo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Bong Revilla Jr

Sen. Bong Revilla kompiyansa  sa matatag na alyansa ng PFP-LAKAS

IPINAHAYAG ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., tagapangulo ng Lakas-CMD, ang kompiyansa sa katatatagan ng …

doctor medicine

Kahit hindi napatunayan
PH DOCTORS APEKTADO NG ISYUNG MULTI-LEVEL MARKETING — LAWYER

INAMIN ni Atty. Dezery Perlez, isa sa abogado ng Bell-Kenz Pharma, lubhang apektado ang mga …

050924 Hataw Frontpage

1 patay, 2 sugatan  
SENGLOT NA KELOTNANAKSAK NANG WALANG HABAS

ni ROMMEL SALES NAARESTO na ng pulisya ang lalaking walang habas na nanaksak sa harap …

050924 Hataw Frontpage

Sa CA decision pabor sa Meralco-SM power deals  WATCHDOG GROUP SUMUPORTA SA APELA NG ERC SA SC

SUPORTADO ng watchdog group na Power for People Coalition (P4P) ang hakbangin ng  Energy Regulatory …

050824 Hataw Frontpage

Sa dagdag na presyo sa singil ng koryente  
SOLON PINIGILAN AKSIYON NG ERC SA POWER DEAL

HINIMOK ng vice chairman ng House committee on energy ang Energy Regulatory Commission (ERC) na …