Friday , May 2 2025
Maria Ressa, Nobel Peace Prize

Palasyo tameme sa Nobel Peace Prize ni Maria Ressa

WALANG kibo ang Malacañang sa pag­gawad ng 2021 Nobel Peace Prize kay Rappler CEO Maria Ressa sa kabila ng papuri sa kanya ni US President Joseph Robinette “Joe” Biden, Jr., at ng iba’t ibang grupo at personalidad sa loob at labas ng bansa.

Si Ressa ang kauna-unahang Filipino na nakasungkit ng presti­hiyosong Nobel Peace Prize kasabay ni Russin journalist Dmitry Muratov bilang mga mamama­hayag na nanindigan para sa freedom of expression.

Matatandaang naging paboritong atakehin ni Duterte ang Rappler dahil kritikal sa kanyang administrasyon.

Sa isang kalatas, inihayag ni US President Biden ang pagbati sa masugid at walang takot na pagpupursigi nina Ressa at Muratov sa paghiling ng transparency, at paglaban sa pag-abuso sa kapang­yarihan, at korupsiyon.

Kung tameme ang Malacañang, ang Kremlin ay nagpahayag na welcome sa kanila ang karangalan na ipinag­kaloob kay Muratov.

“We can congratulate Dmitry Muratov,” sabi ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov sa mga mamamahayag sa ulat ng Reuterrs.

“He persistently works in accordance with his own ideals, he is devoted to them, he is talented, he is brave.”

Pinuri ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sina Ressa at Muratov sa pagtatanggol sa kalayaan sa kabila ng sinagupang maraming hamon.

“We commend them for defending these freedoms in increasingly challenging conditions — in Ressa’s case, these [have] included a raft of cases and legal proceedings — and are proud to be in the community of independent journalists ready to hold the line with them,” sabi ng NUJP.

“We hope this award will shine more light on those who put the spotlight on the truth at a time when basic freedoms and democracy are under attack.”

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Pulong Duterte

Reklamo ng pick-up girl, bayad kulang  
PULONG NAMBUGBOG NG ‘BUGAW’ HAGIP SA CCTV CAMERA NG BAR

ISANG lalaking umaming ‘bugaw’ ang lumantad at nagsampa ng mabibigat na paratang laban kay Congressman …

Joey Salceda Phivolcs

Salceda: Phivolcs Modernization Act, pamumuhunang ligtas buhay, lalo na sa Albay  

Ang Phivolcs (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) Modernization Act na nilagdaan kamakailan ni Pangulong …

Krystall Herbal Oil

Krystall Herbal Oil garantisadong panlaban sa heat wave

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

3RDEY3 AI

Prediction ng AI: Abby Binay, puwedeng malaglag sa Magic 12

KUNG pagbabatayan ang pag-aanalisa ng artificial intelligence ng 3RDEY3 (@3RD_AI_) na naka-post sa X, may …

Comelec Vote Buying

2 kapitan umangal sa vote buying vs Cong sa Aklan

IBINULGAR ng dalawang barangay chairman na nagsampa ng disqualification case laban kay Aklan 2nd District …