Tuesday , December 24 2024

Pasay PCP chief, 5 parak sinibak (Sa Chinese na pinalaya)

ANIM na tauhan ng Pasay City Police kabilang ang isang Police Community Precinct (PCP) commander ang sinibak kaugnay ng paglabag sa Presidential Decree (PD) 1829 o Obstruction of Justice matapos arestohin at disarmahan sa loob mismo ng opisina ng kanilang hepe nitong Miyerkoles, 6 Oktubre.

Kinilala ni Pasay City Police Chief Col. Cesar Paday-os  ang mga sinibak na pulis na sina Maj. Crisanto Racoma, PCP commander; Lt. Noelson Garcera; SSgt. Johnvir Tagacay; Cpl. Jayson Lunas; Cpl. Jerson Bauzon; at Cpl. Christian Cadingan, nakatalaga sa Mall of Asia (MOA) Sub-Station 10 ng Pasay Police.

Pansamantalang itinalaga sa Admin Holding ng NCRPO habang ang kanilang mga service firearm na kinompiska ay nasa kustodiya ng chief supply ng Pasay City Police para sa safekeeping.

Base sa report, inaresto ng kanilang kabaro ang anim dahil sa kasong Obstruction of Justice o paglabag sa PD 1829, sa loob mismo ng tanggapan ni Col. Paday-os, sa Pasay PNP headquarters, F.B. Harrison St., dakong 12:30 pm noong Miyerkoles.

Sa imbestigasyon, nalaman na ang anim na pulis ang umaresto sa isang Chinese national na nagmamaneho ng Ford Mustang, walang driver’s license, noong 2 Oktubre, sa gitna ng ikinasang Oplan Sita.

Sa pag-aresto sa dayuhan, nakuha ng anim na pulis sa loob ng sasakyan ang RONI Kit para sa short firearm at ilang bala ng kalibre .9mm, personal na gamit tulad ng Rolex, cellphones, laptop, cash money, at iba pa.

Nag-isyu ng official violation receipt (OVR) ang mga pulis laban sa Chinese national at pinayagan ang dayuhan na umalis sa lugar kahit hindi pa sila naghahain ng kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Ammunitions).

Nakatanggap si Col. Paday-os ng mensahe  galing sa tanggapan ni  National Capital Region Police Office (NCRPO) Dir. P/Maj. General Vicente Danao, Jr., na

nag-uutos imbestigahan ang kanyang mga tauhan sa Sub-Station 10 hinggil sa kanilang natanggap na impormasyon.

Nalaman ni Col. Paday-os ang insidente at ang kompletong detalye sa pangyayari kaya agad niyang ipinaaresto ang anim na tauhan kaugnay ng pagkabigong magsampa ng kasong paglabag sa RA 10591 sa kabila ng mga ebidensiyang nakalap nila.

Isasailalim sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office ang anim na pulis pagkatapos makompleto ang dokumentasyon sa kaso. (GINA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …