Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kayla, Maja Salvador, Mitoy Yonting, DJ Loonyo, UPGRADE

Maja, Mitoy, Kayla, at DJ Loonyo pinabilib ng UPGRADE

MATABIL
ni John Fontanilla

MULING napabilib ng grupong UPGRADE na kinabibilangan nina Casey Martinez, Mark Baracael, Ivan Lat, Rhem Enjavi, at Armond Bernas ang mga judge na sina Maja Salvador, Mitoy Yonting, Kayla, at DJ Loonyo sa kanilang performance sa Popinoy sa challenge na Story of Our Lives.

Kaya nakuha nilang muli ang top spot sa ikalawang pagkakataon dahil sa mahusay nilang performance.

Komento ng mga hurado, “Grabe mga bro, basang-basa ko lahat ng meaning ng steps at props na ginamit n’yo. ‘Yung net, hindi maiisip ng simple choreo ‘yun, “ ani DJ Loonyo.

“Best performance n’yo ito. Costume pa lang panalo na,” sabi naman ni Mitoy.

“I agree, best performance n’yo ito,” susog naman ni Kayla.

“Proud na proud ako sa inyo kasi nag-u-upgrade na talaga kayo. Kahit wala ako last week, ngayon nakita ko ng live na talagang pinanindigan n’yo,” komento naman ni Maja.

Kaya naman pasasalamat ang ipinararating ng UPGRADE sa kanilang mga mentors na sina Teacher Jobel ng D’Grind, Coach Moy Ortiz ng The Company, at Teacher Jobert Lachica sa training na ibinibigay sa kanila ng mga ito para maging mahusay sa kanilang bawat performance.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …