Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Madam Inutz, Ian Veneracion, Wilbert Tolentino

Madam Inutz ipaparaya si Ian Veneracion kay Kuya Wil

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

ANG talent at manager na sina Madam Inutz (Daisy Cabantog) at Wilbert Tolentino ay iisa pala ang crush at pareho nilang type ang aktor na si Ian Veneracion.

Sa isang panayam ay natanong si Mada m Inutz na walang karelasyon ngayon, na kung bigyan ng pagkakataon kung sino ang gusto niyang makasama sa isang gabi na yummy ang paglalarawan niya ay ang aktor, pero nang malaman niyang gusto rin pala ito ng manager niya ay umurong na siya.

“Ay sorry! Kay Sir Wilbert nga pala iyon, hahaha! Kasi si Ian, guwapo pa rin siya, matipuno pa rin doon mo talaga makikita ‘yong tunay na sarap! Ha haha! Pero sige, magpapaubaya na ako, hahaha,” natawang sabi ng online seller na gumagawa na ngayon ng ingay sa apat na sulok ng showbiz.

Napakinggan namin ang boses ni Madam Inutz nang mapasama siya bilang contestant sa Sing Galing nitong Setyembre na nagkaroon sila ng dueto ng kaibigang si Ethel Booba na okay na sila ngayon.

Maganda ang timbre ng boses ni Madam Inutz, kailangan siguro niyang ipahinga dahil halatang gastado lalo’t isa na siyang recording artist ngayon dahil ipinrodyus siya ng single ng manager niya.

Ang debut single na ito ay may titulong Inutil na inaasikaso ngayon ng manager niyang si Wilbert ang music video nito at concept niya.

“Yes po, actually ako po ang nag-prepare ng lahat ng productions po. Naghanap ako ng team ng lahat nang nakatrabaho ko na, mula sa director, sa prod, sa stylist, make-up artist, hairstylist, lahat po. Mula sa music na ang nag-compose ay si Ryan Soto na matagal ko nang ka-tandem sa entertainment industry.

“Talagang pinaghandaan po namin ang music video dahil debut single niya ito at kailangang tumatak talaga sa masa,” kuwento ni Kuya Wil.

Isa ang pagiging singer ni Madam Inutz (dati siyang kumakanta sa Japan) sa dahilan kung bakit inalagaan siya ni Wilbert. Sayang nga naman kung hindi ito maririnig ng madlang pipol.  Gusto niyang umasenso ito sa pagiging online seller.

“Actually, bago siya nagpa-handle sa akin bilang talent manager niya, tinanong ko muna kung ano ang pinaka-talent niya, roon lang ako humugot para i-groom si Madam Inutz. Deserve niyang tulungan, hindi lang siya nabigyan ng break.

“Matagal na siyang hindi kumakanta at need niya na ibalik iyon, kasi noong narinig ko ang boses niya noong kabataan niya, sobrang ganda,” kuwento ni Wilbert.

Grateful ang manager ni Madam Inutz dahil maganda ang feedback sa talent niya.

”Sobrang priceless ang pagtanggap ng publiko sa single ni Madam Inutz, bukod sa puro positive ang feedback, malapit nang ma-reach ang 1 million views for one week, not bad as a starter.

“Kaya na-motivate kaming gumawa ng Christmas song naman niya, ‘Sangkap ng Pasko’ ang title.

“Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy.Sobrang makare-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay pagmamahal sa pamilya,” panghihikayat ng manager ni Madam Inutz.

Samantala, kaya pala umatras si Madam Inutz kay Ian nang malaman niyang crush din ng manager niya ay dahil ito ang mahigpit na bilin sa kanya, ”Actually, napag-usapan na naman namin iyan, sabi ko, ‘pag-awayan na natin ang lahat or mag-clash na tayo ng idea, huwag lang nating pag-awayan ang lalaki at pera.’ Kapag inagawan niya ako ng booking, charot! Hahahaha,” natawang sabi ni Wilbert.

Anyway, maririnig ang kantang Inutil sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, Youtube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, etc.

Para sa Inquiries & Product endorsement – tumawag lang sa 09175INUTIL/ 09175468845 or Email sa [email protected].

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …