HARD TALK!
ni Pilar Mateo
TAHIMIK na tao. Hindi showbiz. ‘Yan ang pagkakilala ko sa mister ni Matet de Leon, si Mickey Estrada.
Kaya nagulat ako sa tanong nito sa FB. Kung kilala raw namin (actually kami ni Rommel Gonzales na close rin kay Matet) itong Kyle Echarri na kasama ni Matet sa Huwag Kang Mangamba.
Naka-locked in taping sila sa unit ni direk Emmanuel Palo.
Ang post ni Mickey: ”Kyle Echarri SAN KA NAKAKAHIRAM NG TAPANG??!!
“Pilar Mateo Rommel L. Gonzales Kilala nyo ba to? BASTOS EH!!”
Kaya, nagpakuwento na ako.
“Nagkasagutan daw sila niyong Kyle sa set. Nagsabi raw si direk Manny na mag-focus at ‘wag magkulitan.
“Habang blocking, nakikipagbulungan si Matet sa isang babaeng artista.
“Sinita raw niyong Kyle si Matet sa harap ng maraming tao. Nagtaas daw ng boses kaya nagulat ‘yung mga kasama nilang artista.
“Napahiya raw si Matet kaya sinagot na n’ya ‘yung bata. Hinila na lang daw ni Dom Ochoa ‘yung bata sa isang tabi para pagsabihan tapos si Matet napaiyak sa galit kaya nilapitan na rin ng ibang mga artista.”
Hindi pa ganap ang kuwento ni Mickey sa kuwento sa kanya ni Matet.
Inaalam ko pa rin ang mga salita ng pakiwari ‘ata eh, sikat na siya bilang artista.
Parte siya ng Gold Squad. Kaya nahihila siya ng masasabing mas na ang pagka-sikat sa kanya.
Dagdag pa ni Mickey, ”Lahat sila sinita ng direktor. Kaka simula pa lang daw ng gabi pinagagalitan na sila. ‘Yung last na eksena sila nagkasagutan.”
More tanong.
“Hindi ko alam ate. Baka ganoon lang talaga ugali niyong bata. Ayon sa mga kuwento ni Matet, pati ‘yung Andrea Brillantes binabastos niyon kahit sa harap niyong Seth (Fedelin).
“Dapat hindi tinotolerate ‘yung ganyang klaseng artista. ‘Di na nga magaling umarte, malaki pa ulo.
“Tagalog daw pagkakasabi ate. ‘Di n’ya maalala ‘yung eksakto dahil nagulat daw s’ya. Ang context daw ‘sinabi nang ‘wag makulit eh!’
“Yeah. Natatakot na ‘ata si Matet sa akin kaya hindi ikinukuwento ng buo. Alam n’yang kagabi pa ako galit.”
Okay. Give this newbie the benefit of the doubt. Maraming sides sa pangyayari. Sa kanya. Sa direktor. Mga taga-produksiyon. Co-actors.
Ang sa akin, kung sinita na kayo ng direktor sa ginagawa niyo sa trabaho niyo, lalo ka na Kyle, trabaho mo ang pakialaman mo. Ikaw actually ang sinita ayon sa kuwento, eh.
Kung may binulungan si Matet, bulong nga ‘di ba? Bakit sa kanya mo ibabaling ang pagsita sa ‘yo at ipahihiya mo ang aktres na milya-milya na ang ipinuhunan sa pagiging propesyonal niya sa career.
Sino ka Kyle kompara sa kanya at sa mga kasama mo sa set?
Good manners and right conduct naman dyan. Kung wala sa bahay niyo ‘yan, sa trabaho mo man lang, praktisin mo. Kaya mo ‘yan.
Sensya na, ha! Sanggol pa lang si Matet, nakita ko na ‘yang lumaki. Kaya alam ko ang pagkatao niyan at maski pa siguro ang mga kasama niyo sa set. Ikaw ang bagong salta, matuto ka.
Know your History ng showbiz. Know your manners. Most importantly, know where you stand. Be man enough to own up sa actions mo.
Tigilan niyo ako bashers. Wala kayo roon at ‘di niyo alam ang buong istorya!
Okay? Sana marunong ka ring tumanggap ng pagkakamali mo. Para masabi ko naman na gentleman ka naman pala para umamin sa pagkakamali mo.
Kung mayabang ka pa, aba direk Manny, Dominic and HKM cast, put him where he ought to be!
(Bukas ang aming pahina para sa side ni Kyle—Editor)