Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
expired face shields, CoVid-19 test kits, P28.72 face masks, Pharmally Money

Gov’t-Pharmally deal kademonyahan – health workers

NAGPUPUYOS sa galit ang hanay ng health workers sa ‘kademonyahan’ na pagbili ng overpriced at substandard medical supplies ng administrasyong Duterte sa pinaborang Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Nabisto sa mga isinagawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na nag-supply ang Pharmally ng expired face shields at CoVid-19 test kits at P28.72 kada piraso ng face mask sa Department of Health (DOH).

“Continuing [ang] nararanasan naming hirap, pagod tapos malalaman namin ang kabulastugan na ginawa talaga, parang devilish act na po ‘yun para sa amin lalo pa, recently meron kaming co-doctor na kamamatay lang,” sabi ni Janice Pauline Budy, pangulo ng Filipino Nurses United-San Lazaro Hospital chapter sa panayam sa Headstart sa ANC.

“Hindi mawala sa isip ko na maraming tinamaaan sa hanay naming nurses, mga doctor, sa ginawa ng DOH. Kaya talagang nakagagalit, galit na po kami sa panahong ito sa mga kademonyohan nila.”

Aniya, humuhugot sila mula sa sariling bulsa at nangangalap ng sponsor para makabili ng gagamitin nilang de-kalidad at cost-efficient personal protective equipment (PPE).

“Sariling naming bulsa, humahanap kami ng sponsor kasi medyo may kamahalan pero in the long run cost-efficient (siya), mas mababa ang magagastos (mo) kung suma total,” sabi ni Budy.

Inilahad niya, nakatanggap sila ng pekeng respirator mask mula sa DOH, hindi aprobado ng US Centers for Disease Control and Prevention at World Health Organization (WHO).

“Ang sa ‘min ba’t ‘di kami ma-provide-an ng kalidad kung buhay lang din naman namin ang nakasalalay at syempre buhay din ng pasyente ang maaapektohan,” dagdag niya.

Hindi pa rin aniya natatanggap ng health workers ang kanilang meal, accommodation, at transportation allowance mula sa DOH. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

FIFA Futsal

Apat na higante magsasagupaan; FIFA Futsal Women’s World Cup lalo pang umiigting

MGA LARO SA BIYERNES(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – ARGENTINA VS PORTUGAL8:30 P.M. – SPAIN VS BRAZIL …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …