Thursday , December 26 2024
Philippine National Police Academy, PNPA

Kadete ng PNPA patay (Sinikmuraan ng upperclassman)

BINAWIAN ng buhay ang isang kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa bayan ng Silang, lalawigan ng Cavite, matapos suntukin sa tiyan ng kanyang upperclassman nitong Huwebes, 23 Setyembre.

Kinompirma ni P/Lt. Col. Louie Gonzaga, hepe ng PNPA public information office (PIO) ang pagkamatay ni Cadet 3rd Class Karl Magsayo ng PNPA Batch 2024.

Ayon sa ulat ng Silang municipal police nitong Biyernes, 24 Setyembre, nagtungo ang 21-anyos na si Magsayo at ang kanyang kaibigan sa silid ng suspek na kinilalang si Cadet 2nd Class Steve Cesar Maingat na limang beses sinikmuraan ang biktima hanggang nawalan ng malay, dakong 5:40 pm noong Huwebes.

Agad dinala si Magsayo sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival dakong 6:43 pm.

Nasa kustodiya ng Silang police ang suspek na nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ngayong Lunes, 27 Setyembre.

Samantala, bumuo si PNPA director P/Maj. Gen. Rhoderick Armamento ng special investigation group upang siyasatin ang insidente.

Gayondin, tinitiyak ni Gonzaga sa publiko at sa pamilya ng pumanaw na kadete, mahigpit nilang ipinatutupad ang anti-hazing policy.

Sa pagdalaw ni Chief PNP P/Gen. Guillermo Eleazar sa PNPA, ipinangako niya sa ina ni Magsayo na papanagutin ang suspek sa pagpanaw ng anak.

Si Magsayo ang pinakahuling kadeteng namatay sa loob ng PNPA.

Noong Hulyo 2020, dalawang kadeteng kabilang din sa PNPA Class of 2024 ang binawian ng buhay sa loob ng police academy na sina Cadet 4th Class Kenneth Ross Alvarado dahil sa heat stroke at Cadet 4th Class Jiary Jasen Papa dahil sa mababang potassium.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *