Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sunshine Guimary, Cindy Miranda, Diego Loyzaga, Mark Anthony Fernandez, Marco Gomez, House Tour

Pa-house tour ni Sunshine muntik ikapahamak

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SANA panoorin ng lahat lalo na ng mga mahilig ipa-house tour ang bahay nila ang pelikulang House Tour ng Viva Films na pinagbibidahan nina Diego Loyzaga, Cindy Miranda, Marco Gomez, Sunshine Guimary, at Mark Anthony Fernandez na idinirehe ni Roman Perez, Jr. dahil malaking aral ito sa lahat.

Talking from her own experience si Sunshine dahil sa sobra niyang naging bukas sa loob ng bahay niya ay pinuntahan siya ng stalker na ikinatakot niya dahil saulo nito ang buong kabahayan niya.

Kuwento ni Sunshine sa ginanap na Zoom mediacon ng House Tour nitong Linggo ng hapon, ”Unang-una nagba-vlog ako at nag-u-Youtube at darating talaga sa point na mauubusan kayo ng content once na ‘yung mga suki viewer, number one nilang inire-request ay ‘yung personal.

“As a youtuber kailangan mo talagang i-show sa kanila at one thing na nagawa ko is ‘yung house tour. 

“At sa mga gustong mag-house tour, pag isipan n’yong mabuti 10x kung gusto ninyong i-share dahil ako I regret talaga na ginawa ko na ma-detalye,” bungad paliwanag ng dalaga.

Sunshine Guimary

Aminado si Sunshine na sobrang detalyado ang ginawa niyang video sa house tour niya dahil simula sa gate na dadaanan ang garahe papasok sa loob ng bahay niya isa-isang ipinakita ang kabuuan ng loob nito.

“Lahat ng nakatayo sa bahay nasabi ko, ganoon ka-informative. Nag-regret ako kasi masyadong madetalye pati wardrobe kung saan ko inilalagay lahat ng gamit ko pagdating ko sa bahay,” pahayag pa ng dalaga.

At ito na ang ikinatakot niya dahil may taong pumunta sa bahay niya na hindi niya kilala.

“Lumipad siya from ganitong place, dumating siya sa subdivision namin at sabi niya poprotektahan niya ako.

Sunshine Guimary 2

“Dumating siya ng 2:00 a.m. sa subdivision namin tapos ginigising ako ng guard sabi ko hindi ko kilala at saka anong oras na. So ‘yung tao naghintay ‘til 6:00 a.m. talagang nagising na ako at pinuntahan ako sa bahay.

“Kaya naisip ko na mali talaga ‘yung ginawa kong house tour na sinabi ko lahat kung ano itsura. Like rito sa movie na ‘House Tour,’ paano kung mangyari ito sa totoong buhay? Buhay pa kaya ako?

“So rito ko naisip na maging careful at malaking lesson ito sa akin personally sa buhay ko,” kuwento ni Sunshine.

Napabalik naman niya ang stalker niya kung saan siya nanggaling at binigyan niya ng pamasahe at napapayag naman dahil kinausap niya ng maayos.

Mapapanood ang pelikulang House Tour sa Oktubre 22 sa Vivamax at kasama rin sina Rafa Siguion-Reyna, Chad Kinis, Abby Bautista, Juliana Parizcova Segovia, Jeffey Hidalgo, Jobelyn Manuel, Liz Alindogan, Raquel Monteza, Angie Castrence, at Jim Pebanco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …

Rabin Angeles Angela Muji

Rabin sobrang na-challenge sa lauching movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA talaga ang Viva Entertainment dahil sa pagpasok pa lang ng 2026, heto …

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto Aquino

Rabin inamin matagal nang crush si Angela, A Werewolf Boy binago ang ending

NAKAGUGULAT ang tinuran ni Rabin Angeles nang amining bata pa man siya’y crush na niya ang ka-loveteam …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …