Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Duterte, Face shield

‘Face shield’ hindi na kailangan sa labas – Duterte

HINDI na kailangan magsuot ng face shield kapag nasa labas ng kanilang bahay maliban kung nasa lugar na sarado, siksikan, at may close contact sa ibang tao.

Inihayag ito kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People.

“I was informed by technical working group and medical experts, puwede na tanggalin sa labas. No more face shields outside. Ang limitasyon, gamitin mo sa 3 Cs crowded, closed facilities, and close contact. ‘Yung tatlo na ‘yan, face shield is a must pa rin,” aniya.

Ang pasya ng Pangulo ay inihayag tatlong linggo  matapos mabisto sa Senado ang overpriced na pagbili ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) sa daan-daang libong piraso ng face shields sa halagang P124 bawat isa mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation noong isang taon gamit ang P42 bilyong pondo ng Department of Health (DOH).

Ayon sa Commission on Audit (COA) walang memorandum of agreement (MOA) ang DOH sa PS-DBM sa paglipat ng P42-B pandemic funds.

Batay sa 2020 COA report, may 485,000 expensive face shields ang nakatambak sa PS-DBM depots.

Naging sentro rin ng pagbatikos ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagtatakda ng administrasyong Duterte na magsuot ng face shield habang kapos ang gamot para sa CoVid-19 ang mga ospital. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

SM MSMEs Wall of Champions

SM Supermalls Unveils the 2025 Wall of Champions, Honoring Filipino MSMEs

2025 MSME Awardees and finalists gather at the SM for MSMEs Wall of Champions, joined …

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Krystall herbal products

42-anyos BPO employee “open secret” paggamit ng Krystall Herbal Products sa kanyang co-workers

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                 Isang magandang …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …