Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Antonio Parlade Jr, NSC, Eufenia Cullamat, Bayan Muna
Antonio Parlade Jr, NSC, Eufenia Cullamat, Bayan Muna

Palasyo ‘bisyong’ mag-recycle ng ‘basura’ sa gobyerno (Parlade bilang DDG ng NSC)

091021 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

“MAHILIG mag-recycle ng ‘basurang’ hindi environment-friendly.”

Tahasang ipinahayag ito ni Bayan Muna Rep. Eufenia Cullamat kaugnay sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay retired Army General Antonio Parlade, Jr., bilang bagong deputy director general ng National Security Council (NSC).

Nakababahala aniya ang pagluklok kay Parlade sa bagong posisyon lalo na’t naging pamoso ang dating heneral sa red-tagging at pagpapakalat ng fake news.

“Ang administrasyong Duterte ay mahilig mag-recycle ng basura, ‘yun nga lang hindi environment friendly. Ang pag-appoint din sa kanya (Parlade) ay nakababahala dahil sa kanyang record bilang spokesperson ng NTF-ELCAC na maraming ini-red tag at biniktimang aktibista, artista, at mga lehitimong progresibong organisasyon, gayondin ang pagkakalat at pagpapakalat ng fake news,” ani Cullamat.

Matatandaang naging kontrobersiyal si Parlade bilang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pag-uugnay sa kilusang komunista ng mga artistang gaya nina Liza Soberano at Angel Locsin, sa mga mambabatas mula sa Makabayan bloc at iba pang progresibong grupo at personalidad. 

Ngunit para sa Palasyo, sa Parlade base sa kanyang mga karanasan ay makapag-aambag nang malaki sa pagpaplano ng mga polisiyang makaaapekto sa pambansang seguridad.

“Deputy Director-General Parlade faithfully served the Armed Forces of the Philippines for many years until his retirement from the service.  We are therefore confident that his length of fruitful service in the military would immensely contribute in the crafting of plans and policies affecting national security,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …