Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gretchen Barretto
Gretchen Barretto

Gretchen walang balak tumakbo sa Halalan 2022

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

UMIIKOT ang Love Box ng aktres na si Gretchen Barretto

Sa tulong ng kaibigang si Ana Abiera, ipinamamahagi sa mga taga-entertainment field ang mga pa-ayuda ni La Greta.

Napuno ang Delmo’s Restaurant na paga-ari ni Ana ng sako-sakong bigas at grocery items gaya ng noodles, kape, canned goods at marami pa na ipina-pack nila ng kanyang mga angel, including our colleague Francis Simeon.

Tuwang-tuwa ang entertainment press na nahatiran na ng ayuda. Pati na rin ang mga kasama ni Gretchen sa industriya. At ang mga nawalan ng trabahong mga entertainer ng sing-along bars.

Ang agad na itinatanong ng karamihan kapag ganitong may nagpapahatid ng ayuda agad-agad eh, kung may plano bang tumakbo sa politika.

Nakayatawa man, pero hindi maiaalis. Hindi ba pwedeng gusto lang tumulong. Period!

Si Ana na ang nagsabing wala ‘yun sa bokabularyo nito.

Sa estado ng buhay ngayon ni La Greta, umiikot ang mundo niya sa anak na si Dominique.

Hindi maputol-putol ang pag-uugnay sa kanya kay Charlie “Atong” Ang. Na una pa namang nagsabing malapit din naman siya kay Gretchen at sa partner nitong si Tonyboy Cojuangco.

Na ipinakikita naman ni Gretchen sa mga vlog niya.

The most recent nga ay nang muli siyang magtungo sa farm ni Atong sa Lipa para sa tinatawag na Talpakan o Derby ng mga panabong na manok.

Sa pagkakataong ito kasi, isa si Gretchen sa mga naanyayahan para mag-bitaw ng mga manok na tinatayaan ng ‘di matingkalang halaga.

Invitational ang nasabing derby kaya may celebrities na sumaksi sa naabing event.

Nag-share pa nga si Gretchen mula sa paghahanda niya para sa paglalakbay patungo sa AA Farms hanggang sa kausapin ang ilang mga gaya niyang magbibitaw ng mga panabong. 

Doon din makikita ang pakikipagkaibigan ni AA sa mga kasamahan na celebrities ni Gretchen in showbiz.

Hindi rin maikakaila na bukod sa mga negosyong hawak niya, hindi naman inililihim ni AA na kahit wala siyang bisyo, nasa sabong at mga casino ang mundo nito.

Totoo ba ang nasagap naming balita na sa darating na halalan, may susuportahang kandidato ito?

Naku, hindi trapo. Bata. Sariwa.

Abangan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …

Rabin Angeles Angela Muji

Rabin sobrang na-challenge sa lauching movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA talaga ang Viva Entertainment dahil sa pagpasok pa lang ng 2026, heto …

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto Aquino

Rabin inamin matagal nang crush si Angela, A Werewolf Boy binago ang ending

NAKAGUGULAT ang tinuran ni Rabin Angeles nang amining bata pa man siya’y crush na niya ang ka-loveteam …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …