Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Benedicto Yujuico, Philippine Chamber of Commerce and Industry, PCCI
Benedicto Yujuico, Philippine Chamber of Commerce and Industry, PCCI

Negosyante pumalag vs korupsiyon sa pandemya

DESMAYADO ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa mga nag­labasang isyu ng katiwalian sa pagbili ng medical supplies ng administrasyong Duter­te para labanan ang pandemyang dulot ng CoVid-19.

“It is disheartening to learn of the integrity issues over the procurement of certain equipment and supplies needed to combat CoVid-19 and other related issues,” ayon kay Amb. Benedicto Yujuico, PCCI president, sa kanilang 3rd General Member­ship Meeting.

Inihayag ng mga negosyante ang muling pagtutol sa paggamit ng gobyerno sa lock­down para labanan ang CoVid-19 na nagresulta sa pagkawala ng traba­ho ng apat na milyong Pinoy, at pagkalugi ng may 100,000 negosyo na nagkaroon ng matinding epekto sa mental health ng mga mamamayan.

“We are frustrated over government’s penchant for declaring lockdowns as its primary tool to stem the spread of virus. Lockdowns have caused more problems with the millions of lost jobs, not to mention the damage to mental health of many of our countrymen,” pahayag ni Yujuico.

Inimbita ng PCCI si Sen. Richard Gordon bilang speaker sa okasyon upang ibahagi ang kanyang mga suhestiyon para masagkaan ang epekto ng CoVid-19 sa gobyero, sa pribadong sektor, maging sa Philippine National Red Cross at iba pang humanitarian agency.

Si Gordon ang naging paboritong batikusin ni Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa pamu­mu­no ng Senate Blue Ribbon Committee sa pag-iimbestiga sa ku­westiyonableng paglilipat ng P42-B sa Department of Health (DOH) at overpriced medical supplies contracts na ibinigay ng Procurement Service ng DBM.

Binigyan diin ni Gordon, si Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat managot sa lahat ng nangyari kaugnay sa CoVid-19 response ng administrasyon.

“Lider ang dapat managot,” ani Gordon sa question and answer portion ng pagtitipon.

Ang lahat aniya ng pagbatikos ni Pangulong Duterte sa kanya, sa Commission on Audit (COA), sa mga senador at sa Red Cross ay iskema upang ilihis ang atensiyon ng publiko palayo sa isyu na iniimbestigahan ng Senado.

Dahil aniya, sa mga birada ng Pangulo sa Senado at COA ay lumayo ang mga investor sa Filipinas at nagtungo sa ibang karatig bansa sa ASEAN gaya ng Vietnam.

Wala pang tugon ang Palasyo sa naging pahayag ng PCCI.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …

Estate Tax

Bagong Estate Tax bill ni Salceda suportado ng Cebu City Council

Suportado at isinusulong ng Cebu City Council (Sangguniang Panglungsod) ang House Bill No. 6553 ni …

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …