Friday , November 22 2024

HK flight ibabalik na ng Cebu Pacific (6 biyahe kada linggo simula 1 Setyembre)

MULING ilulunsad ng Cebu Pacific ang direct flights patungong Hong Kong mula Maynila simula 1 Setyembre at layunin nilang bumiyahe sa rutang ito anim na beses kada linggo (maliban tuwing Sabado) para sa buwan ng Setyembre.

Unit-unti nang ibinabalik ng Cebu Pacific ang kanilang international network bilang sagot sa pangangailangan ng mas maraming flight para sa mga carry essential travelers.

“There is latent travel demand and we remain cautiously optimistic as we boost operations where it is needed most. We continue to listen to our passengers and we do all that we can to address their needs while we remain committed to prioritize everyjuan’s health and safety,” pahayag ni Xander Lao, Chief Commercial Officer ng Cebu Pacific.

Ang mga pasaherong patungong Hong Kong ay kinakailangang magpakita ng kompletong HKG Department of Health Online Declaration form at negatibong RT-PCR test result na isinagawa sa loob ng 72 oras bago ang nakatakdang oras ng flight.

Kailangan din magpresenta ng kompirmasyon ng room reservation sa hotel sa Hong Kong nang hindi bababa sa 21 araw.

Ang mga fully-vaccinated na pasahero ay kailangan din magpakita ng kinikilalang vaccination record.

Para sa mga pinakahuling update, maaring bumista ang mga pasahero sa: bit.ly/HKG_COVID-19

Bukod sa Hong Kong, regular din ang Bayanihan flight mula sa Dubai patungong Maynila na nag-uuwi ng overseas Filipino workers (OFWs).

Muling inilunsad ng Cebu Pacific ang mga flight nito patungong Nagoya, Osaka, Seoul (Incheon), Singapore, Taipei, at Tokyo (Narita).

Maaaring makita ang mga travel document requirements at iba pang mga paalala sa: https://bit.ly/CEBFlightReminders

Ang Cebu Pacific ay may gradong 7/7 stars mula sa airlineratings.com para sa CoVid-19 compliance dahil sa patuloy nitong pagpapatupad ng multi-layered approach para sa kaligtasan na naaayon sa global aviation standards.

Sa kasalukuyan, nabakunahan na ang 95% ng flying crew ng Cebu Pacific at inaasahang makokompleto ang employee inoculation sa darating na Oktubre.

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang walo nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (KARLA LORENA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

BingoPlus ArenaPlus MassKara 1

BingoPlus, ArenaPlus brings smiles and enjoyment to the Masskara Festival 2024

BACOLOD CITY, PHILIPPINES – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, successfully delivered another …

SM xmas FEAT

The merriest surprises are in store for you this Christmas

Christmas truly is the most wonderful time of the year, as SM Supermalls launches even …

World Travel Expo Year 8 The Ultimate Destination for Travel Enthusiasts

World Travel Expo Year 8: The Ultimate Destination for Travel Enthusiasts

Makati City, Philippines – After the outstanding success of World Travel Expo Year 7, we …

Toni Gonzaga Alex Gonzaga Aqua Planet Resort

Toni ipinasara resort sa Pampanga

MATABILni John Fontanilla SOBRANG saya ng naging bonding ng Gonzaga sisters na sina Toni at Alex gayundin ng ibang miyembro …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *