Thursday , December 26 2024
arrest prison

Lumabag sa protocols sa Bataan
Chinoy nanuhol deretso sa hoyo

ISANG Filipino-Chinese ang naghihimas ng rehas  matapos lumabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines at nagtangkang manuhol sa mga pulis na sumita sa kanya sa bayan ng Hermosa, lalawigan ng Bataan, nitong Linggo, 29 Agosto.

Sa ulat mula kay P/Col. Joel Tampis, provincial director ng Bataan police, kinilala ang naarestong suspek na si Brandon Ian Lua, Filipino-Chinese, residente sa Sto. Cristo, Binondo, Maynila.

Dinakip si Lua ng mga tauhan ng Hermosa Municipal Police Station at PMFC-Bataan na nagmamando ng Quarantine Control Point (QCP) sa bahagi ng Olongapo-Gapan Road, Brgy. Balsik, sa naturang bayan.

Napag-alamang habang nag-iinspeksiyon ang mga awtoridad sa mga pasahero ng Bataan Transit na pumasok sa lalawigan dakong 10:30 am kamakalawa, nabigong magpakita ng dokumento ang suspek kung siya ay Authorized Person Outside Residence (APOR) dahil nasa ilalim ng MECQ ang Bataan.

Habang tinatanong, tinangka umano ng suspek na manuhol sa isang pulis ng P1,000 na nagbunsod ng kanyang pagkakaaeresto at pagkakakulong sa Hermosa MPS Jail.

Inihahanda ang kasong paglabag sa RA 11332 at Corruption of Public Official na isasampa laban kay Lua. (MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Barasoain Malolos Bulacan

Bulacan, ibinida ang kultural na pamana sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang kanilang …

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
3 PUGANTE, 1 TULAK NAKALAWIT

SA PATULOY na operasyon kontra kriminalidad ng pulisya, nadakip ang tatlong nakatalang wanted person at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *