Tuesday , December 24 2024

Danao umiskor vs ilegal na sugal (2 ‘kobrador’ swak sa QC)

ARESTADO ang dalawang hinihinalang kobrador sa dalawang magkahiwalay na operasyon kontra sa lahat ng uri ng ilegal na sugal sa Quezon City batay sa malawakang kampanya na inilunsad ng National Capital Region Police Office sa Metro Manila.

Matatandaan na iniutos ni NCRPO chief P/MGen. Vicente D. Danao, Jr., ang pagtutok sa operasyon kontra ilegal na sugal bilang bahagi ng pagpapanatili ng pulisya sa kaayusan at kapayapaan sa komunidad habang patuloy na kumikilos ang pamahalaan kontra pandemya.

Nagsagawa ng magkakahiwalay na operasyon ang Quezon City Police District Special Operation Unit (DSOU) sa nasasakupan ng QCPD Station 2 sa pama­mamahala ni P/LtCol. Ritchie R. Claravall matapos lumutang na patuloy pa rin ang operasyon ng mga ilegal na sugal sa lungsod.

Nasakote habang nangongolekta ng kaniyang pataya sa kapwa tricycle drivers ang suspek na si Ernesto Pancho y Peralta, 54 annyos, at naninirahan sa San Pedro St., San Francisco Del Monte noong 26 Agosto sa Frisco terminal sa Tolentino St., Barangay San Fracisco Del Monte.

Nakompiska sa suspek ang listahan ng mga taya sa loteng, ballpen, at P480 cash na koleksiyon o pataya.

Samantala, naaresto si Ma. Cecilia Hernandez Y Macarasig, 42 annyos, residente sa 136 Scout Chuatoco St., Barangay Roxas District sa lungsod dakong 3:30 pm noong 18 Agosto sa loob ng lotto outlet na matatagpuan sa 180 Kaingin Road, Barangay Apolonio Samson, Quezon City habang nasa akto ng pagongolekta ng mga taya.

Nagkasa ng operasyon ang DSOU matapos makatanggap ng impormasyon kaug­nay sa patuloy na operasyon ng pagpa­pataya ng suspek sa Lotto outlet na nasa Barangay Apolonio, Samson, Quezon City sa kabila ng dekla­rasyon ng enhanced community quarantine (ECQ).

Kinompiska ng pulisya ang mga resibo ng pataya, teller machine, at koleksiyon habang mabilis na nakatakas ang mana­naya ng suspek.

Sinampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek sa City Prosecutors’ Office kaugnay sa paglabag sa Presidential Decree 1602.

(HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *