Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman
Sean de Guzman

Sean sulit ang pagbubuyangyang ng katawan

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

SEAN na nga!


‘Yan ang bansag ngayon kay Sean de Guzman ng mga “kapatid” niya sa management ng 3:16 Media Network ni Len Carrillo.

Sunod-sunod kasi ang salang nito sa mga pelikula ng Viva na napapanood sa Vivamax.

Noon pa naman, nasa puso na ni Sean, hindi lang ang mapansin sa kagustuhan niyang maging isang artista kundi ang makapag-ipon din para sa kanyang pamilya.

Sa panahon ng pandemya pa pala gagana ang suwerte kay Sean.

Kaya sige lang siya ng sige.

Katawan daw ni Sean ang ipinupuhunan nito. Kaya ang tanong ng marami, is it worth it?


Sa tiwalang patuloy na ibinibigay sa kanya ng Viva, worth na worth na maituturing ang pagbuyangyang ni Sean sa kanyang katawan.

Marami naman ang humanga sa kanya sa Macho Dancer. Ngayon, dumating si Nerissa, ang Taya, mayroon pang Bekis On The Run at marami pang naka-line-up.

Natutuhan na ni Sean ang pagsakay sa sari-saring karakter. Kaya, hindi malayong mas tumalas pa ang talento niya sa pag-arte.

Allan Paule. Coco Martin. Mga nagdaan sa maigting na proseso para kuminang na gaya ng diamante.

Sean na nga! Ang kasunod!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …