Sunday , April 27 2025
arrest posas

Nasita sa curfew
BEBOT ARESTADO SA SHABU

BAGSAK sa kulungan ang isang babae matapos makuhaan ng shabu makaraang masita sa curfew hours sa Malabon City, kanakalawa ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang suspek na kinilalang si Rejean Magno, 30 anyos, residente  sa M. H. Del Pilar St., Brgy. Maysilo.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Jerry Basungit, habang nagpapatupad ng curfew hours ang mga barangay tanod ng Brgy. Niugan sa kahabaan ng C. Santos St., dakong 11:50 ng gabi nang makita nila ang suspek at kanyang live-in partner na gumagala sa naturang lugar.

Sinita ng mga bara­ngay tanod ang dalawa at nang isyuhan ng ordinace violation receipt (OVR), napansin ng barangay tanod na si Lolita Villanueva ang suspek na pasimpleng inilaglag ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na naging dahilan upang arestohin niya ito.

Nang kapkapan, nakuha sa kanang baywang ng suspek ang dalawa pang plastic sachets ng hinihinalang shabu kaya umabot lahat sa 1.2 grams ng umano’y shabu na may standard drug price P8,160 ang narekober kay Magno.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

IMINUMUNGKAHI ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas City, ang paglikha ng isang …

Manny Pacquiao

Sa latest survey pabalik sa Senado
Pacquiao nangako, laban tuloy para sa mahihirap

DASMARIÑAS, CAVITE – Binasag ni Boxing legend at Senatorial bet Manny Pacquiao ang kanyang pananahimik …

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *