Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos
Vilma Santos

Ate Vi ‘di pa rin tiyak ang pagtakbo sa Senado

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKITA na ninyo, kaya hindi kami kumikibo roon sa mga masyadong excited na nagsasabing si Senador Ralph Recto ang tatakbong congressman at si Ate Vi (Congw. Vilma Santos) ang patatakbuhing senador. Bakit may sinabi na ba si Ate Vi? May mga tao lang na masyadong excited kaya kung ano-ano na ang sinasabi. Noong mag-live sa social media si Ate Vi, ‘di lumabas ang totoo na wala pa siyang desisyon at puwede ngang mag-retire na siya sa politika at mag-artista na lang ulit.

Mahirap kasing gumawa ng isang national campaign si Ate Vi. Tiyak na ang hihingin ng bawat bayan ay makita siya ng personal. Kaya ba niyang ikutin ang buong Pilipinas? Mabuti kung may sarili siyang eroplano at magdadala siya ng “sako-sakong pera.” Isa pa, wala na bang peligro ang Covid sa panahong dapat siyang mangampanya? May mga tao ring nag-iisip na ang dapat niyang takbuhan ay isang local post sa Batangas.

May mga tao rin kagaya namin na naniniwalang panahon na para siya ay magbalik bilang isang aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …