Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ping Lacson Monsour del Rosario Tito Sotto
Ping Lacson Monsour del Rosario Tito Sotto

Monsour nakipagpulong sa Tito-Ping tandem

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAY nakareserbang slot na ang Tito-Ping (Sen. Tito Sotto-SenPing Lacson) tandem para kina Congresswoman Vilma Santos at Kris Aquino, sakaling gustuhin nilang tumakbo sa pagka-senador sa 2022 election.

Bukod pa ang 11 mga pangalang lumabas sa mga senatoriable ng Lacson-Sotto tandem. Kasama sa mga ito na may konek sa showbiz ay sina Congresswoman Lucy Torres, dating senador JV Ejercito, Gov. Chiz Escudero ng Sorsogon, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Migz Zubiri, at Rep. Loren Legarda.

Inanunsiyo ring kasama rin sa listahan ang dating vice president na si Jejomar Binay

At ang latest, posibleng maisama rin sa listahan ng Ping-Tito tandem si Monsour del Rosario. Bagamat palaisipan kung ano ba talaga ang tatakbuhin ng dating action star.

Kamakailan ay nakipagpulong si Monsour kina Sen. Lacson at Senate President  Sotto  kasama ang ilang dating mambabatas.

Sa kasalukuyan, umiingay at lumalakas ang tandem nina Lacson at Sotto para sa Halalan 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …