Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora walang malalang sakit

MA at PA
ni Rommel Placente

NAG-ALALA ang nga tagahanga ni Nora Aunor at marami ang nagtanong sa kanila kung may sakit ba raw ang kanilang idolo. Nag-post kasi si Ate Guy ng larawan sa kanyang fan page na nakaupo sa wheelchair habang pinagmamasdan ang mga halaman.

Tinanong namin ang isang malalapit kay Ate Guy at ayon dito, walang dapat ipag-alala ang kanyang mga tagahanga. Talaga lang daw umuupo sa wheelchair ang aktres lalo na kung may lalakarin na medyo malayo.  Dahil may hika siya, hinihingal si Ate Guy na pinalalala pa ng napakainit ng panahon ngayon.

Pero nasa mabuti namang kalagayan ang Superstar.

Samantala, katatanggap lang  ni Nora ng Hall of Famer award sa katatapos na Asia Pacific Luminare Awards. Kaya naman nagpapasalamat siya sa karangalang ito.

Bahagi ng ipinadala niyang mensahe, ”Hindi naman po sa pagbubuhat ng sariling bangko, may ilan na rin po akong ganitong klase ng parangal na natanggap mula sa iba’t ibang  award-giving bodies. Pero nagugulat pa rin po ako, natutuwa, at  minsan ay napapatanong din kung ako nga po ba ay karapat-dapat sa  mga ibinibigay sa aking parangal.”

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …