Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dump truck nahulog sa bangin, 2 sugatan sa Tanudan, Kalinga

SUGATAN ang driver at kanyang pahinante nang mahulog ang minamanehong dump truck na may kargang graba sa isang bangin, may lalim na 40 talampakan nitong Lunes, 28 Hunyo, sa bayan ng Tanudan, lalawigan ng Kalinga.

Humingi ng tulong mula sa rescue personnel ang isang nakasaksi sa aksidente kaya agad nadala ang dalawang biktima sa pagamutan.

Magde-deliver ng graba sa kliyente ang dalawang biktima, na kapwa empleyado ng isang hardware store, nang mahulog ang kanilang sinasakyang truck sa bangin.

Nabatid na gumuho ang isang bahagi ng provincial road sa Brgy. Lower Taloctoc dahil sa walang tigil na ulan ng mga nakaraang gabi.

Ayon sa mga rescuer, maaaring isa sa mga dahilan ng aksidente ang mabigat na kargamento ng dump truck kaya nawalan ng balanse at tuluyang nahulog sa bangin. ###

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …