Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz Willie Revillame

Willie tulay ni John Lloyd sa GMA

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

MARAMI ang nagulat at na-excite sa magiging project ni John Lloyd Cruz sa GMA Network.

Noong Sabado, inanunsiyo na siya ay malapit nang mapanood sa GMA kasama ang  owowin host na si Willie Revillame.

Nagkataong bumisita si John Lloyd sa summer hideaway ni Willie sa Puerto Galera kasama ang anak niya. Roon ay nagkausap ng masinsinan sina Lloydie at Wilie tungkol sa pagbabalik niya sa showbiz.

Ipinaramdam ni Willie ang suporta niya sa pagbabalik showbiz at hinikayat nito ang award winning actor na lumabas sa special show nila sa shopkeepers sa Linggo ng gabi at pagkatapos ay may binubuo silang project na si Willie mismo ang producer.

Matapos ‘yun ay gumawa ng paraan si Willie na magkausap si Lloydie at si Ms Annette Gozun para magkaroon si Lloydie ng project sa GMA. Kaya mukhang sure na ang GMA ang magiging bagong bahay ni John Lloyd.

Lumikha ng ingay ang recent announcement ng pagbabalik-showbiz ni John Lloyd. At talaga namang excited ang kanyang fans na mapanood siyang muli matapos niyang mag-break sa showbiz ng apat na taon. At masaya sila sa balitang mapa­panood na nila ang kanilang idolo sa GMA para sa grand event ng isang shopping app sa June 6.

Ang inaabangan din ngayon ay kung bukod ba rito ay may iba pang projects na niluluto sina John Lloyd at Willie. Tutok lang sa GMA for more updates tungkol dito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …