Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cris nang magka-Covid — Akala ko mawawala na ako

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

FEELING ko mawawala na ako. Gusto ko nang magbilin.” Ito ang inihayag ni Cris Villanueva sa digital press conference para sa bagong episodes ng Maalala Mo Kaya (MMK) para sa buwan ng Hunyo nang ihayag nitong nagkaroon siya ng Covid-19 gayundin ang buo niyang pamilya.

Sa kuwento ni Cris, March 20 noong mag-umpisa ang Covid niya.

“Nahirapan akong huminga. Bumabagsak ang oxygen. Mataas na mataas na lagnat, 39.5°C, 39.7°C na fever na straight five days and chills. Tapos sobrang weak, hindi makakain.

“Hindi makainom ng tubig kasi palaging busog. ‘Yun pala puno ng water ‘yung lungs ko that’s why I couldn’t even eat, I couldn’t drink because isang drink ng tubig busog na busog na ako. I thought I was okay until ‘yun nga tumataas na ‘yung fever ko and ‘yung chills, nanghihina. I lost a lot of weight like sobrang pumayat ak,” ani Cris na nakaramdam din ng kawalan ng pag-asa na matatalo ang Covid.

Hindi itinanggi ni Cris na talagang nawalan na siya ng pag-asa. “Feeling ko talaga mawawala na ako. Gusto ko na magbilin.

“Pero you see a lot of people were praying for me. A lot of my friends were, a lot of my family members were. Isa lang ang magandang nangyari noon since lahat kami mayroong COVID, buong family, hindi kami naka-isolate sa isa’t isa, so we are free to see each other.

“We eat sabay-sabay. Nagkikita-kita kami sa labas kapag nagpapa-araw kami. We were not isolated, ‘yun lang ang maganda roon. Pero you see ang hirap. Masakit ‘yung symptoms niya,” positibong sabi pa ni Cris.

Hindi nagpa-confine sa ospital si Cris o iba pang miyembro ng kanyang pamilya, dahil katwiran ng actor, ”We had seven doctors looking after us and they were always calling.

Marami silang pinagagawa sa amin at naka-monitor talaga kami. Isa sa pinagagawa sa amin ‘yung pagdapa para magkaroon ng pressure ‘yung lungs.”

Sinabi ni Cris na nakakakain siya kapag pinadadapa.

Sa tulong ng maraming dasal at lakas ng pananampalataya, gumaling si Cris at ang buo niyang pamilya.

Sa kabilang banda, isa si Cris sa magbibida sa two-part episode ng  MMK’s Finding Papa kasama sina Maris Racal. Ito ay Father’s Day episode ng MMK na mapapanood sa June 12 at June 19, 9:00 p.m..

Bago ito, tampok sina Kim Molina at Pepe Herrera bilang lovers na mapapanood sa June 5. Tampok naman sina Jaya at Awra sa isang lesbian mother at transgender teenager story.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …