Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klarisse YFSF Grand Winner, wagi ng house and lot at P1-M

ANG bongga ni Klarisse de Guzman dahil siya ang Grand Winner ng  Your Face Sounds Familiar Season 3.

Successful ang panggagaya niya kay Patti LaBelle, na ang nakuhang  score ay percent mula sa combined accumulated scores at public votes.

“Sobrang ‘di po ako makapaniwala kasi sobrang tagal ko nang pinangarap na makahawak ng trophy as a title,” masayang-masayang sbi ni Klarisse, na nag-uwi ng tropeo, P1-M, at brand new house and lot mula sa Lessandra.

“Mahal na mahal ko po ‘tong show and hindi ko po makali­limutan ang experience na ito kasi parang iniba niya po ako. Na-try ko ‘yung mga bagay na hindi ko nagagawa before so, maraming-maraming salamat po,” susog pa niya.

Pumangalawa sa kanya si Lie Reposposa na ginaya si Dulce (80.43%), kasunod sina Vivoree Esclito na nag ala-Ariana Grande (78.4%), ang iDolls na umawit bilang the Three Tenors (72.35%), si Christian Bables na lumabas bilang Lady Gaga   (63.2%), si CJ Navato na nag-ala Bruno Mars (59.39%), at si Geneva Cruz na lumabas bilang Nicole Scherzinger (46.88%).

Sa Grand Showdown, pinakanagningning si Klarisse na una nang ginaya sina Christina Aguilera, Shakira, Jaya, Britney Spears, Minnie Riperton, Mariah Carey, Tom Jones, Lani Misalucha, Sharon Cuneta, Ann Wilson, Aretha Franklin, at Toni Basil, at nanalo rin ng apat na beses bilang weekly winner.

Sinusundan ni Klarisse sina Melai Cantiveros-Francisco at Denise Laurel bilang Grand Winners sa Your Face Sounds Familiar, na nagkaroon din ng kid editions na nagwagi naman sina Awra Briguela at TNT Boys.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …