Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Thirdy naki-birthday kay Pampi; Tito Sen suportado si Ping

IBA talaga ang relasyon ni Thirdy, anak ni Jodi Sta Maria kay Pampi Lacson, kay Iwa Moto. Makikita mong very close ito sa dating aktres. Kaya naman madalas ito sa bahay nina Iwa at Pampi lalo na kung busy ang inang si Jodi sa taping.

Kasama si Thirdy sa sorpresang inihanda ni Iwa at anak nitong si Mimi para kay Pampi. Sinorpresa ng mag-iina si Pampi bitbit ang isang birthday cake at isang box habang kumakanta ng Happy birthday song papasok sa kuwarto nito.

Naka-focus sa magkapatid na Thirdy at Mimi ang video habang maririnig lang ang boses ni Iwa. Siyempre nasorpresa naman si Pampi sa kanyang mag-iina. Ang ganda lang na okey na okey ang samahan nina Thirdy at Iwa gayundin sa kapatid nitong si Mimi.

Sa kabilang banda, sobra-sobra ang kompiyansa ni Sen. Tito Sotto kay Ping Lacson.

Sa isang interbyu kasi ni Karen Davila kay Tito Sen, naitanong nito kung sino ang gusto niyang maging running mate sa darating na eleksiyon. Binanggit ni Karen ang mga pangalan nina Sen. Manny Pacquiao, Mayor Sarah Duterte, at Mayor Isko Moreno.

Walang kagatol-gatol na sinabi ni Tito Sen ang pangalan ni Sen. Ping na gusto niyang maka-tandem sakaling tumakbo siya bilang Vice President.

Anang Senador, ”First of all, I’m still considering it. And if I do consider it, the number one on my list would be Sen. Lacson. I know his capability. I know what he can do for the country.”

Giit pa ni Tito Sen, ”If he runs for president, I will support him!”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …