Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Agimat ng Agila

Action-serye ni Bong namamayagpag sa ratings

NAMAMAYAGPAG ngayon sa ratings ang action-packed fantasy drama series ng Kapuso Network na Agimat ng Agila na pinagbibidahan ng nagbabalik-telebisyon na si Ramon “Bong” RevillaJr..

Nakapagtala ang pilot episode ng serye noong May 1 ng 16.3% na NUTAM People rating habang nitong nakaraang Sabado (May 8) naman ay nakakuha ng 16.7% ayon sa data ng Nielsen Phils.

Taos-puso ang pasasalamat ng lead actor na si Bong na gumaganap bilang si Major Gabriel Labrador, ang tagapagmana ng kapangyarihan ng mahiwagang agila.

Aniya, ”I honestly did not expect na ganito kainit ang magiging pagsalubong at pagtanggap nila sa aking pagbabalik-telebisyon. Words will not be enough to express my overwhelming gratitude. Sabi ko nga, nakatataba ng puso ang kanilang naging pag-abang at pagsuporta.”

Malaking inspirasyon din ang viewers sa buong cast at sa lahat ng bumubuo ng Agimat ng Agila upang lalong pagbutihin ang kanilang trabaho.

“Sila po ang naging motivation namin noon to ensure the quality and come up with this kind of program.”

Pinatikim naman ni Bong ang viewers sa mas kapana-panabik pa na mga eksena na dapat abangan sa Agimat ng Agila.

“Umpisa pa lang po ang inyong napanood, at tiyak na lalo pa kayong masisiyahan sa mga susunod na linggo. Paganda pa ng paganda ang magiging takbo ng istorya kaya huwag po sana kayong bibitaw.”

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …