Saturday , November 16 2024

Serye-Exclusive: Pandemya bentaha kay Villamin

ni ROSE NOVENARIO

NAGING bentaha para kay Soliman Villamin, Jr., a.k.a. Dexter Villamin ng DV Boer Farm Inc., ang nararanasang CoVid-19 pandemic kahit kalbaryo ito sa buhay ng mga ordinaryong mamamayan.

Naapektohan ng pandemya ang operasyon ng ilang tanggapan ng gobyerno sa ehekutibo at hudikatura kaya ‘natulog’ ang mga reklamong inihain laban sa DV Boer gaya ng syndicated estafa.

Maging ang reklamo ng halos 300 investors ng kanyang Pa-Iwi program at Microfinance sa Securities and Exchange Commission (SEC) ay hindi pa rin umuusad.

Ang Department of Agriculture (DA) na ginasgas ni DV para palabasin na kasangga niya upang makahakot ng multi-bilyong pisong investment mula sa publiko, partikular sa overseas Filipino workers (OFWs), dumistansiya umano siya sa kanyang aktibidad nang mabulgar na santambak ang reklamo laban sa DV Boer.

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginamit niyang instrumento para makasungkit ng mga parangal upang magmukha siyang bayani, tikom ang bibig kahit may mga unipormadong nabiktima ng kanyang mala-Ponzi scheme agribusiness.

Wala na rin napaulat na update kung may kinahinatnan ba ang itinayong ‘quarantine farm camps’ ng 2nd Infantry Division ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at local na pamahalaan ng Tanay, Rizal at ni Villamin noong nakalipas na taon sa layunin umanong matiyak ang food security sa mga komunidad sa area.

Tahimik ang BFF ni Villamin na si Maj. Gen. Arnulfo Marcelo Burgos dahil baka madiskaril pa umano ang military career kapag umabot ang ‘init’ ng DV Boer scam sa AFP.

Maging si Sen. Cynthia Villar at Senate President Tito Sotto, walang imik sa takot marahil na mabistong naloko rin sila ni Villamin at nagamit na borloloy para mabahiran ng legitimacy ang kanyang agribusiness cum Ponzi scheme.

Ngunit hindi umano dapat maging kampante ang libo-libong biktima ng DV Boer, may mas grandiosong planong ikinakasa si Villamin na puwede silang malinlang muli.

Ayon sa source sa Commission on Elections (Comelec), naghain ng “manifestation of intent to participate’ si Villamin sa poll body kamakailan para makalahok bilang nominee ng Magsasaka partylist.

Ginawa ito ni Villamin kahit pinatalsik na siya sa grupo pati ang kanyang mga kapamilya sa ginanap na general assembly ng Magsasaka partylist noong Disyembre 2019. (May Karugtong)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *